29. Going back to you

1676 Words
Katia's Point of View Nakaupo ako ngayon sa isang bakanteng lugar.  Kanina pa ako dito, halos wala ng tao dahil lahat nakaalis na. Yung iba nakalipad na, yung iba nakauwi na. Ako, eto pa rin naghihintay sa sundo ko. Pero okay din naman ang paghihintay ko, iniisip ko na kasi ka agad kung ano nanamang mangayayare sa akin dito. At oo, tama kayo! Nasa Pilipinas na ulit ako. After three years, babalik nanaman ako sa masasakit na nakaraan.  Pumikit lang ako at nilanghap ang hangin. Basta Kathrina! Relax ka lang ha?! Enjoy mo lang ang pagbabalik mo! Yung pagbalik sa Pinas ha? Hindi yung pagbalik sa Ex mo!! Tapos na yun lahat. Wala na yun lahat. " Ma'am? Ma'am Kathrina? " Napamulat naman ako sa lalaking nagsalita. Siguro ito na yung driver ko. Walang gana lang naman akong tumayo habang galak na galak siyang lumapit sa akin at kinuha ang mga gamit ko. Tapos nagdiretso ako paglalakad papuntang kotse habang patuloy niya akong sinusundan " Ma'am!! Ang ganda niyo po pala talaga noh? Ah, Ma'am kumusta po pala ang France? Malapit ka po ba dun sa aypol tawer? " Huminto ako saglit. " It's Eiffel Tower! And I'm tired! " Isinarado lang naman niya ang bibig niya at pinagbuksan niya ako ng pinto.  Haaaayyy!! Sana naman wala ka na ulit na sakit na dulot Pilipinas. Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng ilan kong kasambahay pati na ang head maid ng bahay.  " Maligayang pagbabalik, Katia! " Sambit ng head-maid, si Manang Fe, bata pa lang ako kasa-kasama na ako niyan kaya komporatable kami sa isa't isa. Siya na lang din naman ang pamilya ko ee. Tumango lang naman ako kay manang at ngumiti. " Manang, parang madaming bago dito ah! " " Oo, Kathrina. Madami kasi talagang pagbabagong nangyare dito simula noong nawala ka. " Sagot niya. " Pero mukang naalagaan mo talaga ng maayos ang bahay ah! Salamat Manang! " Ngumiti lang ako. Aalis na sana ako ng bigla kong naalala yung driver na kasalukuyang nagbababa pa rin ng mga gamit ko. " Ah, Manang, oo nga pala, sino yung driver? Bago yun? " Tanong ko, maya-maya'y napansin kong papalapit na siya sa amin habang hawak-hawak ang mga maleta ko. " Ahh, oo. Kenji halika! " Tapos nakangiti siyang lumapit. Hindi ba siya nangingiwit? Mula kanina pa sa airport siya nakangiti ah! " Siya ang bago mong personal driver, Kathrina. " " Hello po Ma'am, ako po si Mykel Kenji Reagan. Kenji na lang po. " Tumungo lang siya sa akin as sign of his respect tapos nginitian ko lang siya. Bigla naman siyang nanlaki ang mata habang nakangiti pa rin.  " Nginitian niya ako! " Matigas niyang salita ng nakangiti pa rin at di man lang umangat ang mga ngipin niya habang sinasalita niya yan at habang sinisiko niya si Manang.  Pasimple naman akong ngumiti. Problema nito? Nagdiretso na ako paglalakad papasok ng bahay ng bigla akong may naalala. " Manang, May balita ka ba sa bago kong assitant? May nahanap na ba? " " Yes, Ma'am! " Sagot ni Kenji! Bakit siya ang sumasagot. Tinitigan ko lang siya na parang sinasabi kong tumahimik siya at hinay-hinay siya sa pagiging active. Tumalikod lang naman siya sa amin. Inisnoban ko lang siya tapos agad ding tumingin kay Manang. " Manang? " Tanong ko ulit. " Meron na, Katia. " Sagot ni Manang, buti na lang may nahanap agad. Sana tahimik at di masyadong maingay. Ayoko kasing mastress.  " Is she here, Manang! " Tanong ko habang naglalakad papasok sa loob. " No. " Sagot ni Manang. " She's not here? Kelan daw siya pupunta dito? Ayokong lumabas ngayon. Gusto ko munang umiwas sa sakit. " Double meaning kong paliwanag. " I mean no as in no, hindi siya babae. " Lumingon ako kay Manang at kumunot ang noo. " So he's a He? " Tumango si Manang. " So asan siya Mana-- " " PRESENTT!! " Sigaw ng lalaking nahihirapan sa pagdadala ng maleta.  Naihilamos ko naman ang mga kamay ko sa muka ko. Hindi nanaman maganda ang bungad ng Pilipinas. * FAST FORWARD * * TOK TOK TOK TOK * " Ma'am, gising na po kayo Ma'am? Ma'am may naghahanap po kasi sa inyo sa labas. " Ano ba yan! Katutulog ko lang ee. " Sino daw? " Sabay pikit ulit. " Mga kaibigan mo daw po Ma'am. Reuel at Eid daw po ang pangalan! " Agad naman akong napabalikwas!! Ha? Paano nila nalamang nakauwi na ako?  Agad akong nag ayos ng sarili at bumaba sa sala. " KATHRINA!! " Sabay nilang dalawa na salubong sa akin. " Kumusta ka na?! " Masigla nilang tanong. " Paano niyo nalamang nakauwi na ako? " " Syempre! Kami pa ba? " Sambit ni Reuel. " Anong sadya niyo? Anong meron? " " Wala! Ikaw talaga sadya namin! Syempre miss ka na namin noh? " Sambit ni Eid sa akin. Ngumiti lang naman ako. " Shot tayo! Libre namin! " Nakangiti naman akong sumimangot sa kanila. Kadadating dating ko lang alak agad? " Ano ba yan?? Alam niyo namang hindi... " Huminto ako at tumitig sa kanilang mga malungkot na muka. " ...Hindi ko tatanggihan yan!! " " YOOWWWWNNN NA NGA BAGA ANG SINASABI KOOO!! " " HAHAH! Tara!! Magbihis lang ako saglit!! Hintayin niyo ko! Mabilis lang ako. " Tapos agad akong umakyat sa kwarto at mabilis na nag-ayos ng sarili. * FAST FORWARD * Wait!! Parang familiar tong bar na ito. " Bagong Bar ito? " Tanong ko.  " Ha? Hindi ah! Le Rosie to! iyung maliit na bar dati, Le Rosie Bistro! " Talaga? Anlaki na ng pinagbago ah! Sobrang laki ng pinagbago. Sana naman malaki rin ang pinagbago ng mga ala-ala dito. Siguro naman naalala niyo tong lugar na ito. Pero sana wala na akong maalala dito. * FLASH BACK * (Pota Kathrina! Kasasabi ko lang diba?) November 2, 2019, at 8:20 pm  FEW DAYS AFTER BREAK UP. " Asan ka? " Mensahe ko sa isang gagong lalaki. " Nasa bahay, bakit? Ikaw? Asan ka? " Sagot at tanong niya. " Papunta ako sa Bistro. " " Ano namang gagawin mo dun? " " Mag-iinom! " Mabilis kong reply. " Ah, okay! " Maikli niyang text. Anong problema niya? HAHAHA " HAHAH. Anong ah okay? Anong problema? " Tanong ko. " Alam mo namang masama sayo ang alak diba? " Text niya. " Sandali nga lang, huwag mong sabihing kasama mo sina Reuel ha? " Napatawa naman ako sa message niya. Akala ko ba alam niya? " Ano? Kanina pang umaga nila ako kasama. " Paliwanag ko. " Ahh, okay! " Sagot naman niya. Ano bang problema niya? " Anong ah okay, Red? " " Wala! Wala nanaman akong karapatan sayo. Desisyon mo yan. " Sagot niya. " Taguan pala ha? " Dagdag pa niya sa mensahe niya. Anong ibig sabihin niya?  " Anong itinatago Red? Akala ko ba alam mong kasama nila ako? " Atska bakit kailangan pa niyang malaman? Kami pa ba? Tapos na kami, diba? " Baliw ka ba? Alam mo namang masama sayo ang alak diba? We've almost driven you to the hospital last time you drink too much, remember? " So, he's concern? " Oh? Asan ang pagtatago dun na sinasabi mo? " Tanong ko. " Ahh! Oo nga pala! Wala na nga palang "TAYO"!! " Sarcastic ba siya? " Alam ko Red! Ano ba kasing sinasabi mo ha? " Mahirap ba sabihing nag-aalala siya? Na concern siya? " Wala! Wala! Mag ingat ka na lang! Akala ko kasi, bawal pa rin yung mga bawal ee! " What's with him? Still concern? Hmmm. " Sorry Red! Di ko lang talaga matanggihan sina Reuel. " At bakit ka naman humihingi ng pasensya Kathrina? Ayan ka nanaman sa mga salitain mo ee!! Ano? Naghahanap ka nanaman ng sakit?  Bakit ba self? Sumama lang naman ako kasi gusto kong maibsan ang sakit ah? Gusto ko lang naman ng kausap. Atska, isa pa, gusto ko rin kasing linawin sa kanila ang mga nangyayare sa pagitan namin ni Red. Gusto kong ipaalam sa kanila na dapat rin nilang maintindihan ang side ni Red at ang side ko. Gusto ko lang malinaw ang lahat. Alam niyo kung bakit? Because it hurts me when they judge me as if I'm the one who cheated! That I'm the one who get tired! That I'm the one who didn't fight for this relationship. Napakasakit kasi kapag titingnannila ako na parang ako ang suspect. Masakit lang kasi ang mga naririnig ko mula sa kanila. Na kesyo ako daw ang sumuko, kasalanan ko daw at ako ang hindi nagpahalaga.  Bakit sila agad agad naggagawa ng ganung konklusyon? They didn't even know what I've been through.  It's true that people nowadays are really bullshitted. They say nonsense things instead of finding ways to help and fix things. " Huwag mo akong gawing tanga dahil matagal na akong tanga. " Sarcastic niyang sambt. " Bakit ka ba nagagalit? " May karapatan ba siya magalit? " Hindi ako galit. " Denial!! " For your information. Concern Ex lang ako. Atska potaa, pwede bang iinform mo naman ako kapag pupunta ka sa kung saan-saan kahit na wala nanaman talagang tayo?! " Paliwanag niya. Ngayon siya na ang nagsasabi niyan sakin. " Hindi mo rin ako sinabihan noon diba? Noong nagpunta ka sa probinsiya niyo?! Hindi ka nga umuwi nun diba? Dahil sabi mo, ayaw mong kontrolin kita. Kasi sabi mo, sinabi ng mga kaibigan mo na may sarili kang buhay. Naalala mo yun, Red? ... " Hindi naman siya agad na nakapag reply. "... Pasensya ka na Red ha? Naranasan ko rin kasi ang lahat ng yan! Kailangan ko din malaman noon kung nasaan ka. Na kahit kunting impormasyon lang kung nasaan ka o anong ginagawa mo. Alam mo kung bakit? Dahil nag-aalala ako at dahil ayokong may mangyare sayong masama! Mahirap bang manghiram ng cellphone sa mga kaibigan mo at imessage ako kahit isang "Hoyy, lintek, kasama ko kaibigan ko. Huwag mo na akong hintayin. Hindi ako uuwi.". Potaa kahit pabalang yan tatanggapin ko, ang mahalaga alam ko kung okay ka lang ba!! Pero don't get me wrong ha? Hindi naman ako naganti. Pero alam mo? Naisip ko lang, buti ngayon nararamdaman mo na lahat ng nararamdaman ko dati. Ngayon alam mo na ang pakiramdam? Alam mo na ang pakiramdam ko noon na pilit kong itinatago sayo para lang hindi tayo mag-away. Para lang hindi ka magsawa sa mga complains ko at para lang manatili ka!! ..." " Partners tayo Red ee! Iisa tayo! Pero lagi kang umaasta na parang wala lang ako sa buhay mo! Single at pwedeng pwedeng gawin ang kahit anong gusto. Umasta ka ba noon na "Tayo"? Potaaa, ganyan ang pakiramdam Red!! Pero ni minsan di ako napagod sayo!! ... " " ...Kaya sana naman Red, sana naman kaya mo ding gawin sa akin yun! Sana kaya mo ring manatili kahit nakakasawa na ako. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD