EPISODE 33 POSSESSIVE COLE OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. Malaki ang pasasalamat ko kay Finn dahil dinala niya ako sa isang theme park dahil unang beses kong makapunta sa ganung klaseng lugar. Pagkatapos naming magsaya roon ay hindi na muna ako hinatid ni Finn pauwi sa unit ni Cole, nagyaya na muna siyang kumain at sabay na kaming mag dinner. Hindi naman ako maka ayaw dahil gusto ko pang makasama at maka-kwentuhan si Finn. Sa isang Korean restaurant na niya ako dinala at hindi ko rin mapigilan na matakam sa mga nakahain sa aming table dahil nakikita ko lang ang mga ito sa kdrama na pinapanood namin ni Koline pero ngayon ay nasa harapan na namin ito ngayon ni Finn at nakakain ko na rin. Hindi namin namalayan ni Finn ang oras at kahit tapos na kaming kumain ay nasa loob pa rin kami ng res

