CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 29 DRUNK OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “Congratulations, Olivia Noelle Rivera, you are now part of the production team of G Coleman Entertainment Company!” bati sa akin ni Ma’am Nina, ang aming production manager. Nagpalakpakan ang mga bago kong ka-trabaho at mainit nila akong tinanggap sa kanilang team. Nalipat na ako ngayong araw sa kompanya rito sa G Coleman at nakahanap na rin ng personal assistant na pumalit sa akin sila Ma’am Jenny at Ma’am Lolita at dalawa ito, isang babae at isang lalaki. Hindi naman nagalit sa akin si Cole nang sabihin kong aalis na ako bilang personal assistant niya, gusto niya rin kasi na maging safe ako at masyadong nakakapagod ang pagiging personal assistant. Dito sa production team ay hindi na namin kailangan pumunta sa fiel

