EPISODE 21 FAINTED OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “You didn’t tell me that you like Cole! Sana pala hindi ko na lang sa ‘yo sinabi na may gusto ang tukmol na iyon kay Kira Tia Uy,” nakasimangot na sabi ni Samantha. Nagsisi ako na napaamin ako kay Samantha tungkol sa nararamdaman ko para kay Cole. Ang kulit at ang daldal niya kasi. Hindi ko alam kung paano kami naging close ng babaeng ito. Palagi na lang kasi siyang pumupunta sa mga photoshoots at ibang schedules ni Cole. Akala ko nga ay may gusto siya kay Cole pero sinabi niya naman sa akin na hanggang kapatid lang ang tingin niya kay Cole at nagpapanggap sila sa harapan ng kanilang mga magulang na may something sila dahil gusto na ng mga magulang ni Samantha na ipakasal siya sa lalaking hindi niya naman kilala at ayaw niyang mangyari

