CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 18 THE PANYO BOY OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. Nang sabihin ni Finn na gusto niyang makipag usap sa akin ay pinayagan ko na rin siya kahit hanggang ngayon ay nalilito at kinakabahan pa rin ako sa kanyang sasabihin sa akin. May dapat ba akong malaman tungkol sa kanya? But I didn’t know him! Ang alam ko lang kay Finn ay half-brother siya ni Cole at isa rin itong model katulad ng kanyang kapatid. Iyon lang ang alam ko tungkol sa kanya at wala ng iba! Naupo kami rito sa labas ng 7/11 dahil merong table dito at napagpasyahan ko na rin na buksan ang mga junkfoods na binili ko sa loob ng store dahil para na akong maloloka kung wala akong kainin ngayon habang kaharap ko si Finn. Hindi na muna ako iinom dahil baka isang inom ko pa lang ng alak ay knockout na kaag

