Isang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang panggagahasa kay Lovely. Mula noon ay lagi ng tuliro ang utak ng dalaga, hindi na rin siya makapag-concentrate sa kanyang pag-aaral. Madalas ay wala siya sa kanyang sarili at halos lahat na lang ng lalaki sa kanyang paligid ay pinaghihinalaan niya na maaaring ito ang salarin. Tuluyan na siyang nawalan ng tiwala sa lahat at kapansin-pansin ang malaking pagbabago ng kanyang ugali. Dahil nawala ang dating masayahing si Lovely. “Sweetheart, are you okay?” Nag-aalala na tanong ni Asher sa kanyang nobya ng mapansin na tulala na naman ito. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga dahil di yata’t hindi siya narinig nito. Masuyo niyang hinaplos ang kamay ni Lovely na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Ngunit hindi niya inaasahan ang nagin

