CHAPTER 18

1157 Words
CHAPTER 18 Dylan "Mommy where is Tito Bernard? Punta kami SM kasama Tita Madi and ate Nina." "Naku anak busy si Tito Bernard mo ngayon nasa Manila sya may work." "Tayo na lang mag punta sa SM mami pasyal tayo." "Sige anak ask natin Tita Madi kung hindi sya busy sama din natin sya." "Yehey mommy papasyal tayo si Mamita sama din natin mommy." "Sige anak tanong natin si Mamita." Kung minsan naiisip ko masyadong ini spoiled ni Bernard si Dylan panay ang labas nung dalawa gala dito kain dun. Lahat ng gusto ni Dylan palaging sinusunod. Kapag sinusuway ko naman ang sasabihin nya sakin ay hayaan ko na sya kay Dylan sa ginagawa nya hindi naman daw sobra yun. Napapa iling na lang ako nakakahiya man pero naiisip ko din nabaka naghahanap din ng Father Figure si Dylan kaya malapit ito kay Bernard. Isang araw nagulat na lang ako na maaga si Mama na umuwi ng bahay namin. Madalas kase ang uwi nito ay mga 7 or 8 pm na pero ngayon 2pm palang umuwi na ito. "Ma bakit ang aga nyo anong meron?" "May masakit po basa inyo?" Nagtatakang tanong ko kay Mama. Habang pinapakain ko ng meryenda si Dylan naka upo kami sa sala ng hapon na yon. "Naku anak hindi wala naman masakit sakin." "Eh Bakit po ang aga nyong nagsara ngayon ano pong nangyari?" "Nag kakagulo ngayon sa may Palengke anak dahil may Eviction notice silang natanggap na 3 mons na lang kailangan na nilang umalis o maka lipat ng ibang pwesto." "Huh bakit daw po diba government property po yun?" "At saka diba nag babayad naman sila ng upa nila sa munisipyo." Takang tanong ko kay Mama. "Yun nga din ang alam ko anak pero sabi nung isa kong kumare hindi daw," "Pag aari daw ng Contis private property ang lupang kinatitirikan ng palengke" "Eh pano po sila naka pag patayo ng palengke dun kung private property po yun?" "Naku anak sabi ni mare napabayaan na daw kase talaga yung lupa na yun matagal na panahon na hindi kunukuha kaya nag decide ang City Government na gamitin at patayuan ng palengke," "Ang sabi pa yung mga ibinabayad naman daw ng mga nag rerenta ay napupunta sa mismong may ari nito." Mahabang paliwanag ni mama. Uminom muna ito ng tubig at bumalik sa sala saka ulit nag salita. "Kaso nga lang nang dumating daw yung apo ng may ari ay gusto daw hawakan ang property nila na yon at handa nang pamahalaan ang negosyo at ari arian ng ama nito" Pag kkwento nya ulit sakin. "Eh Ma anong koneksyon nun satin?" "Kinakabahan lang ako anak kase ang usap usapan sa bayan patatayuan ng Low Rise Condominium yunug palengke yun ata ang unang proyekto ng apo ng Don." Napaisip ako kawawa naman yung mga naka pwesto dun saan kaya sila pwedeng lumipat. "Narinig ko din na nag babalak na bilihin ang mga karatig na establishment para sa expansion ng lupa." Namomroblemang wika ni Mama. Patay kapag nagkataon katabi lang kami ng naturang palengke pero sana hindi maisipang ipagbili ng may ari ng pwesto namin ang lote nila. Para hindi kami mag ka problema. "Naku Ma! wag na muna mag isip ng negative jan wala pa naman pong nang yayari." "Ipag dasal na lang natin yan muna Mama na sana ay hindi" "Tutal usap usapan palang naman po diba?" Pag tatanong ko kay Mama. "Oo anak yun ang usap usapan sa bayan sana nga hindi tayo madamay" Wika ni mama . "Mamita are you ok po ?" Biglang tanong ni Dylan na kanina pa nakikinig samin. "Oo apo ok lang si Mamita sumasakit lang konti ulo ko hehe" Wika ni mama na sinamahan ng konting tawa at hinalikan sa ulo ang anak ko. Naging maingay na usapan sa lugar naming ang pag papaalis sa mga na ngungupahan. Marami ang nanghihinayang dahil mawawalan sila ng pang kabuhayan marami rami ang maapektohan. Sa ngayon wala pang relokasyon na nakalatag para sa mga residente ng palengke. Sabin g City Government ay ililipat sila sa kabilang baryo hindi naman ka layuan sa lugar ngunit ang iba ay umaayaw dahil mapapalayo sa kanilang mga kabahayan. May maliit na pag titipon ngayon sa bahay namin dahil kaarawan ng kapatid kong si Madi ika 18th Birthday na nya ngayon isa na syang ganap na dalaga. Inimbitahan namin ang ilang kasamahan namin sa palengke at syempre pa ang pamilya nila Bernard at Nina. "Tito Bernard karga mo ako" Wika ni Dylan "Anak bakit gusto mo magpakarga kay Tito mo?" "Bakit hindi ka maglaro dun, Sali ka sa mga batang nag lalaro" "Ayoko mami gusto ko mag pakarga kay tito Bernard kase ang taas taas nya." "Anak mabigat ka na nakakahiya pati kay Tito na nag papakarga ka." "OK lang Dani ano ka ba si Dylan pa parang yun lang maliit na bagay saka sa Mall palagi ko din naman tong karga kaya malaki muscles ko e ahaha" Wika ni Bernard natatawa tawa at kakamot kamot ang. Hindi ako naka imik sa sinabi nya dahil ayoko naman maging mean sa kanya masyado na syang madaming nagawa para kay Dylan. Saka talagang close naman kase ang dalawa. "Ah e nakaka hiya naman sayo Bernard, mabigat na pati si Dylan ayoko din masanay sya na mag papabuhat palagi pano naman kapag kami lang ang mag kakasama at bigla nya maisipan mag pabuhat kamusta naman ang katawang lupa ko." Mahaba kong turan kay Bernard. "Ano ka ba Dani kagaya ng sinabi ko ok lang sakin saka para .kay Dylan the master ok na ok lang diba pogi?" Sabay kurot sa pisngi ni Dylan. "Yun na nga Bernard dun ako nahihiya sayo palagi na lang, Nakakahiya na abuso na kami ng anak ko sayo" "Ay Mommy ang kulit mo po ok nga daw po sabi ni Tito pogi diba?" Pagsabat ni Dylan sa pag uusap namin ni Bernard. "Wag kang mag alala sakin Dani, Saka bukal talaga ang loob ko sa mga ginagawa ko lalo na kung para kay Dylan" "Saka making ka nga sa anak mo sige na asikasuhin mo na iba nyong bisita." Sabay ngiti sa anak ko at ginigil ng halik sa pisngi na iki na hagikgik nito. Hindi na lang ako nag salita at hinayaan na lang ang dalawa sa harutan. Kapag daka ay dinala na din ni Bernard sa mga batang nag lalaro si Dylan para makihalubilo. Habang naglalakad papasok ng bahay nang biglang. "Dani balita ko binabalak ni Mang Nestor Ibenta ang lupa nya" Bigla akong napatigil sa pag pasok ko sana sa loob ng bahay naming para kumuha ng pandagdag inumin ng ibang bisita ni Madi. "Ho?! San nyo po nalaman yan Manang Ester?" Gulat kong tanong, si Mang Nestor ang may ari ng inuupahan naming tindahan at wala naman itong nababanggit kay Mama. "Ay hindi nyo pa ba alam?!" Gulat na sabi ni aling Ester. "Balita na kase yan kahapon sa palengke balita ko na una nang ibinenta ni Mang Nestor yung isang pwesto nya sa may kanluran" "Ganon po ba hindi pa po namin alam Aling Ester e ngayon palang kung hindi nyo pa po na banggit." Nang biglang lumapit si Bernard "Narinig ko din yan kaninna kay Nanay napag usapan nila," "Anong plano nyo ngayon Dani?" "Sa totoo lang Bernard, Hindi ko pa alam kakausapin ko muna si Mama tungkol dito kung alam na nya." Sana naman ay hindi totoo o hindi maisipan ni Mang Nestor na ipag bili ang inuupahan namin kapag nag kataon san kami lilipat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD