CHAPTER 1
Nag kita kami ng nobyo kong si Matthew sa isang restaurant sa Greenbelt Makati katatapos lang naming kumain sa Italianni's ng bigla nyang sinabi sakin naaalis na sya ng bansa para mag patuloy ng master's degree nya, nagulat ako sa biglaan nyang desisyon.
" Bakit naman biglaan ata ang pag alis mo?" ikako.
Naguguluhan ako sa kanya, nararamdaman ko rin na iba ang pakikitungo nya sakin, Ang panlalamig nya base sa pagtingin at pag sasalita nya..
"Makikipaghiwalay na ako sayo Dani itigil na natin kung anu mang meron tayo"
wika nya
Hindi ko alam kung anu iisipin ko sa biglaang pag sasabi nya sakin na mag hiwalay na kami isama pa na aalis na din sya bakit bigla bigla naman ata.
Masiado ba akong naging kampante sa relasyon namin at hindi ko man lang napansin na hindi na pala ako kasali sa mga plano nya' anas ng isip ko.
Nang bigla sumulpot kung saan ang isang may katangkaran na babae, hindi ko masabi kong maganda sya dahil sa kapal ng make up na nakalagay sa mukha nya, Hindi sa pag mamayabang pero para sa isang asian Girl na kagaya ko matangkad na ako para sa height ko na 5'6, slim figure na 36,25,36 vital stats.
Ang yabang ko Yes!!
Mayabang ako kase alam ko maganda ako.
Pero etong babae na nasa harap ko hindi ko alam kung bakit ang kapal ng make up na akala mo e aattend ng GALA or papasok sa club.
Pero mukha syang mayaman dahil sa mga Signature na mga gamit from head to toe, like her Chanel Leboi Bag na nakikita ko lang sa mga magazine ng bestfriend ko na si Belle, at designer shoes and dress hindi ako maciadong familiar sa mga brands kc sa magazine ko lang naman talaga madalas makita ang mga yun, pero etong kaharap ko.
Nag susumigaw ang mga gamit.
Napa kunot nuo ako ng tumayo ang boyfriend ko at hinalikan sa lips ang babaeng bagong dating.
Ay mali hindi ko na pala sya boyfriend kase nakikipag hiwalay na sya sakin ngayon lang na hindi ko pa nasasagot kung pumapayag na ba ako!
Lalong nalukot ang mukha ko nang ang mga braso ng babaeng makapal ang make up ay biglang yumapos sa baywang ng Ex ko as if matagal na nilang ginagawa yun at napaka natural na lang ang mga ganung bagay sa kanila.
Biglang nagsalita ang babae pagkatapos nilang mag halikan sa harap ko.
"Honey Did you end your relationship with that girl?!"
With matching beautiful eyes.
At ang walanghiya kong EX nag pa cute din sa babaeng makapal ang make up.
"Yes Honey, I ended it already, Matagal ko na dapat ginawa ito wala lang akong oras para makipag kita sa kanya, Salamat sa mahabang pasensya mo sakin Honey,"
OMG!! At dito pa ba talaga sila mag uusap ng ganito sa harap ko, Ang walang hiya na lalaking to akala ko tunay na mahal ako.
Muling bumaling sakin ang walanghiya kong EX.
"Dani, Eto na siguro ang huli nating pag kikita matagal ko na sana tong ginawa, Alam mo naman lalaki ako at me pangangailangan pero hindi kita mapakiusapan, Pinilit ko naman mag pigil pero tao lang ako. Si Margot sya ang nag puno ng mga pag kukulang mo sakin, Ibinigay nya lahat ng gusto ko at pangangailangan ko, Sya din ang makakasama ko pag alis ng bansa susoporthan nya ako sa gusto kong marating sa buhay. "
Mahaba nyang sinabi.
"Sana maging maayos ka parin kahit wala na ako at sana sa susunod na mag ka relasyon ka ibigay mo ang lahat mo para hindi na maghanap ng iba ang mag mamahal sayo"
Medyo napapatawa pa ang walang hiya habang sinasabi yun.
Napaisip ako, Saglit lang!
Yun na ba talaga batayan ng relasyon ngayon maciado na ba talaga akong old Fashion kagaya ng sinasabi ng kaibigan ko sakin."
Bakit gusto ko lang naman i preserve ang pag ka birhen ko at ibigay yun sa oras ng kasal namin pero bakit eto napala ko.
Niloko na iiwan pa para marating ang matagal na nyan pangarap ang makapag masteral sa ibang basta.
Sabagay hindi ko kayang ibigay yun sa kanya kailangan ako ng nanay at kapatid ko, ako lang aasahan nila need ko mag trabaho ng maayos.
Siguro nga kasalan ko yun parte na yun masyado akong focus sa familia ko.
Pero bakit ganun ang sakit sakit hindi ko matanggap na eto lang kahihinatnan ng halos 3taon kong relasyon!
Kung kelan sumubok na ako mag mahal bakit naman!
At saka pa mag loloko!
Naiisip ko na din naman minsan na ibigay na sa kanya yun kahit hindi pa kmi kasal kaso dahil hindi din kmi madalas mag kita hindi ko na masyado muna iniisip yun.
Pero sana nag hintay pa sya ng konti nag tyaga pa sya sakin ng konti.
Ibibigay ko din naman e inihahanda ko lang sarili ko kase hindi ko pa talaga kaya.
Haist!
Bago pa ako maiyak sa harap ng dalawang loko na to mabilis akong tumayo at nagsalita.
" Matt I hope maging masaya ka sa naging desisyon mo, Kung nakapag hintay ka pa sana kahit konting sandali pero wag kang mag alala sa susunod gagawin ko ang sinabi mo na ibigay ang buo ko kapag nag karon na ulit ako ng bagong relasyon."
"Mag iingat ka na lang"
At nag mamadaling kinuha ko ang mga gamit kong dala kanina galing din kase ako ng office bago ako nakipag kita kay Matthew.
Habang nag lalakad ng mabilis hindi ko alam kung saan ako pupunta anu ba dapat kong gawin anu dapat kung maramdaman unti unti nag sisikip ang dibdib ko dahil sa emosyon na bumabalot sakin sa mga oras na yun.
Pag kalito, Dahil hindi ko alam kung saan ako mag sisimula.
First Boy Friend ko si Matt simula nang mag Graduate ako nung college,
At the age of 20 at makapag trabaho sa isang sikat na Real Estate Company isa ako sa ilang Mini Assistant ng naturang kompanya, Maayos naman ang pa sweldo nila kompleto pa sa benipisyo.
Sa kagaya kong sakin umaasa ang nanay at kapatid kong bunso kahit pa wala sa natapos kong kurso ang naging trabaho ko ay papatusin ko na basta maganda ang pa sweldo.
Naka pagtapos ako ng BS Education sa tulong ng Scholarship.
Matagal nang hiwalay ang nanay at tatay ko dahil sa pangangaliwa ng tatay ko sa nanay ko, Ngunit ganun pa man ang nangyari feeling parin ng nanay ko ay asawa parin nya ang tatay ko kahit na iniwan na sya nito at annul na ang kasal nila matagal na panahon na, Ni hindi rin nag bigay ng suporta sa amin ang aming ama kahit sinco.
Minsang sinubukan kong lumapit dito para humingi ng panggastos naming mag kapatid sa paaralan ay imbes na magandang pakikitungo ang iharap sa amin ng tatay ko ay isang malakas na sampal ang natanggap ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ito sa amin, Kung bakit malupit ito sa akin sa nanay ko at sa kapatid ko.
Samantalang buong buhay ko nakikita ko ang nanay namin na mahal na mahal parin ang ama namin kahit ganun sila nito itrato mas trinato pa nitong totoong anak ang anak ng kabit nito, na lalong nag papasama ng loob ko sinabi sa sarili ko na kahit kailan hinding hindi na kami lalapit sa kanya para humingi ng tulong dahil puro pasakit lang naman ang binibigay nya samin.
Habang nag lalakad ng walang direksyon naisipan kong tawagan ang kaibigang matalik ko na si Belle.