CHAPTER 40 “Mami sabi ni Daddy babalik daw sya dito bukas. Aalis lang daw po muna sya ngayon kase may gagawin sya.” “Ah ganon ba anak sige, Paki sabi sa Daddy mo anak mag uusap kami kung ok lang.” “huh? Mami nanjan lang naman si Daddy bakit hindi mo kausapin loloko mo ako mami ha hihihi.” Bigla akong napatingin kay Maddox hinihintay ko kung may sasabihin sya sakin. “We need to talk, tawagan mo na Mama mo, sumama ka sakin sa paglabas ko.” Seryoso nitong baling sakin. Tumango na lang ako at nagtxt kay Madi na bumalik na sila dahil kailangan namin mag usap ni Maddox. BEEP “OK ate pabalik na kami jan.” Hindi lumipas ang ilang minuto ay pumasok na sila Mama at Madi. “Hijo kumain ka na ba?” “Opo Ma’am nag share po kami ni Dylan.” “Sabi ni Dani ay aalis ka na daw mag ingat ka at sala

