CHAPTER 23
Dahil sa nangyari napilitan kami ni mama na umarkila ng truck para mahakot ang mga gamit sa tindahan at pansamantalang madala sa bahay namin.
Napag usapan namin nila Mama na gamitin ang isang kwarto para pag tambakan muna ng mga paninda magsasama na muna si Mama at Madi sa iisang Kwarto.
Buti na lang at pumayag ang kapatid ko na mag share sila ni Mama.
Si Mama na lang ang naglipat ng gamit dahil ayaw na ni mama na umalis pa si Madi sa kwarto nito kaunti lang naman daw kase ang gamit na mama kaya mas ok na sya na lang ang maki kwarto kay Madi.
SOMEONE'S POV
Bwiset kang babae ka! Bakit nag kita na naman tayo!
Hindi ka pa mawala sa landas ko. Dahil sayo nag iba ng pakikitungo sakin Ni Maddox!!
Ano bang nakita sayo ni Maddox na wala sakin!
Ginagawa ko naman ang lahat nuon para maakit ko sya pumayag ako sa lahat ng gusto nya kahit pa s*x ng wala naman label ang relasyon namin!
Lahat ginawa ko isang tawag lang nya sakin nag pupunta agad ako sa kanya tapos simula lang ng umuwi sya ng Pilipinas nag iba na sya ng pakiki tungo sakin.
Kahit na nuon alam kong me flavor of the month sya ok lang sakin kase alam ko hindi yun pang seryosohan babalik din sya sakin.
Pero ngayon nag iba At dahil yun sayong babae ka! Akala ko hindi na kayo mag kikita ulit!
I tried everything lalo na nung umalis ka. Ginawa ko ang lahat para mapansin nya ulit ako lalo na nung malaman ko na nag resign ka nang babae ka.
Akala ko ok na ulit kami ni Maddox Then suddenly nabalitaan ko may pinapahanap syang babae at ikaw pala yun.
Ang laki ng binayad ko sa investigator, I just triple the price just to shut their mouth to talk about you!
Tapos dito lang din tayo magkikita!
Bwiset kang babae ka! Hindi ako papayag na guluhin mo ulit kami si Maddox.
Pinilit ko pa si Papa na ibenta kay Maddox ang ilang shares sa company para mas lalo kaming mapalapit tapos eto dadating ka naman sa buhay ko !!
Letse! Letseng buhay to !!! Hindi ako papayag !!
DANI'S POV
Matapos ang incident sa tindahan ay wala na ulit akong nabalitaan kay Maddox.
Ewan ko pero parang disappointed ata ako dahil hindi na ulit kami nag kita.
"Hmp! Erase erase Dani wag nga sya ang isipin mo mag focus ka kailangan mong mag hanap ng bagong pwesto nyo!"
Pag kastigo ko sa aking sarili.
Sinubukan naming tignan ang bagong palengke na pina relokasyunan sa mga dati naming kasamahan.
Mayron mang available na pwesto ngunit napaka liliit naman at may kamahalan din ng upa kailangan ko ipakita ito kay Mama.
Napag pasyahan namin na kuhain na ang pwesto kaysa naman ma tenga kami sa bahay at pati ang mga product namin ay ma stock o masira.
Habang abala kami sa pag lilipat at pag aayos ng pwesto namin nang makita ko si Maddox sa di kalayuan.
"Huh?? Anong ginagawa ng lalaking to dito wag mong sabihin na pati tong nilipatan nilang lupa ay gusto nitong bilhin??"
Kahit na nakaramdam ako ng pananabik sa muli naming pagkikita ay hinamig ko ang akong sarili.
"Mag tigil ka nga Dani ang talandi mo ha!"
Nakita kong palapit sakin si Maddox.
"Kamusta kayo rito Dani kakalipat nyo lang? Bakit natagalan ata kayong lumipat?"
Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya? Huh? Ano na naman sinasabi ng lalaking to?
"Anung ibig mong sabihin? Ano naman sayo kung kakalipat lang namin dito?"
"Omg! Wag mong sabihin na bibilihin mo din tong lupa na nandito susme kakalipat lang namin papaalisin mo na naman ba kami?"
Kunot nuo akong tinignan ni Maddox mukhang inis na nag salita.
"Yan ba ang tingin mo sakin napaka walang puso ko naman kung gagawin ko yun sa inyo and for your information YES sakin ang lupa na nilipatan nyo pero hindi ko to balak patayuan ng kahit ano. Actually kay Mama ang lupa na to pinamana sa kanya since ayaw nya galawin kaya naisipan ko na paupahan sa Government ang lupa namin. Satisfied?"
Mahabang sabi nito ako naman ang hindi na ka imik.
"Susme seryoso ba kayo Lord? Talaga bang pinaglalapit nyo ang landas naming dalawa!"
Bulong ng isip ko, Pano ba ako makaka iwas kay Maddox.
Nang biglang tumunog ang Cellphone ko sa bulsa. Dali dali ko yung sinagot ng hindi tinitignan ang caller.
Tumalikod ako kay Maddox at nag lakad bahagya sa hindi nya ako maririnig.
"Hello,"
"Hello Ate kakausapin ka daw ni Dylan nag iiyak"
" Dy dito sa phone si Mommy mo kausapin mo dali."
Pag tawag ni Madi kay Dylan.
Narinig ko ang iyak ng anak ko sa kabilang linya at narinig ko din ang paglapit nito kay Madi para kuhain ang phone.
"H-hello mommy a-asan ikaw?"
Umiiyak na tanong nito sakin.
"Yes Dy, Baby nandito ako sa tindahan nag aayos lang mamaya uuwi na din ako."
"Bibilisan ko dito sa pag aayos tapos uuwi na ako lalabas tayo ok ba yun sayo Baby?"
"o=okay po Mami, Uwi ka po kagad ha "
"Yes Dy uuwi kagad ako wait mo ko ok"
"Cge na bye see you later ilove you"
"Ilove you too mami I miss you na po"
"I miss you too"
Pagtatapos ko sa usapan naming ni Dylan.
Nang sa pagharap ko nagulat na lang ako dahil ilang dangkal lang ang layo sakin ni Maddox akala ko ay umalis na ito.
Sinundan pala ako nito. Narinig kaya nya ang pakikipag usap ko kay Dylan!
Patay kang bata ka!
"Sinu yung kausap mo?"
"Sino yung si Dy?"
"Akala ko ba wala kang nobyo?"
Sunod sunod na tanong nito sakin. Huh!? Paki naman nito kung may boyfriend ako o wala.
"Sino si Dy! Bakit may ilove u at imiss u ka pa?"
"Akala ko wala kang boyfriend diba basted yung lalaki sa tindahan nyo dati ??"
"Don't tell me meron ka na agad na pusuan?"
Mahaba nitong tanong sakin..
Wait wait wait!!! Bakit alam nito ang tungkol sa pag basted ko kay Bernard!
"Huh? Anong sinasabi mo jan?"
"Saka pano mo nalaman yon!?"
Takang tanong ko sa kanya.
"Sa Mama mo, Sabi nya nuon"
"Huh? Nag usap kayo ni Mama kailan pa?"
"Ah basta hindi na mahalaga kung nag usap kami ng Mama mo saka kung paano ko nalaman sagutin mo yung tanong ko sino si Dy!"
Naiinis na turan nito sakin.
Aba't lokong to may gana pang mainis sya na nga nagtatanong!
Saka paki ba nito kung sino ang kausap ko!
"Wala ka nang pakialam kung sino man ang kausap ko!"
Naiinis kong sagot sa kanya.
"Bakit me pa I love you and I miss you ka pa! May Boyfriend ka na agad ang bilis mo naman?"
Galit nyang sagot sakin.
"Hoy Mister Anderson my personal life is not for your consumption kaya tigilan mo ako wala kang pakialam kung sino man ang I love you-han ko at I miss you-han!"
At nag mamartsang nilagpasan ko sya pa balik sa pwesto namin.
Nang biglang hinawakan nya ako sakin braso at biglang hinila palapit.
Muntik pa akong matapilok sa pagkahila nya kaya naman napasandal ako sa mabango nyang katawan.
'Shet ang bango na miss ko yung amoy nya.
'Magtigil ka Dani!'
Unti unting lumalapit ang kanyang mukha nararamdaman ko ang bango ng hininga nya.
Mmmmh ang bango naman! Kainis nakaka wala sa sarili.
"Kung sino man yang kausap mo ang mabuti pa itigil mo na yan kung ano man ang relasyon mo na meron ka jan sa taong yan!"
Pabulong pero may diin nyan sabi sakin na halos mahalikan na nya ang pisngi ko sa pag kaka dikit.
"Binabalaan kita Dani, Ayoko ng may kaagaw kaya itigil mo na yan kung ano man yang relasyon nyo."
At padaplis na hinalikan ako ni Maddox sa pisngi.
Ay pucha hinalikan ba nya ako!
Sadya nya ba yun o nagkataon lang na napadikit!
Naiwan akong naguguluhan sa pinag sasabi ni Maddox sakin ano yun itigil ko ang relasyong meron kami ni Dylan? Ano yun hindi na kami magiging mag nanay.
Nang bigla akong matigilan sa iniisip ko.
"Ay pucha napagkamalan nyang boyfriend ko ang anak nya!"
"Ahaha oh well maige na din yun atleast wala syang alam tungkol sa anak namin ok na din na yun ang isipin nya."
At nag mamadali na akong nag ayos ng tindahan para makauwi at maipasyal ko si Dylan sa SM.
----------------------------------------------------
A/N
PLEASE SUPPORT ME ON MY 2ND STORY
SANA MAGUSTUHAN NYO DIN ANG KWENTO NI
MR. RUGGED LANDLORD ❤️
DON'T FORGET TO LEAVE YOUR MESSAGE NABABASA KO OO LAHAT YUN AT NAKAKATABA NG PUSO ❤️