CHAPTER 49 Kumain kami sa isang mamahaling restaurant hindi na sumama si Mayor sa amin dahil may appointment pa daw ito after ng kasal namin. Tuwang tuwa ang anak kong si Dylan ng malaman nito na kasal namin ngayon ng Ama nya. " yehey may buo na akong family" nagtatalon ito sa tuwa. Kitang kita ko ang saya sa mga mata ng anak ko. Kahit nang tignan ko si Maddox ay ang saya din ng awra ng mukha nito. Nagulat na nga lang ako kanina dahil may sing sing din itong inilabas para sakin. "Congrats DaniGirl finally" pagbati sakin ni kuya Ford. " Salamat kuya" yun na lang ang tanging naisagot ko. Para parin akong tubig na nag papadala sa agos sa mga nangyayari. Mag alas 5 na ng hapon ng mapagpasyahan naming umuwi na para makapag pahinga kahit si Dylan ay kinakitaan nadin ng pagod.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


