Chapter 8

2241 Words
Lukas did not know what came into his mind when he asked Keaton on a date. Basta ang nasa isip lang niya ay matulungan ito. Akala tuloy niya, mapapahiya siya. But Keaton, although reluctant, agreed, anyway. Nagkayayaan silang magtungo sa isang kilalang mall sa Pasay kinabukasan tutal bakante sila pareho. Ciel's and Isaac's scenes were scheduled to be filmed that day. Their first destination was a branded apparel store, as for their manager's instruction. Inutusan na silang mamili ng additional outfit para sa mga sunod-sunod nilang performance sa Marso. Abala sa pagtitingin ng floral na polo si Lukas nang lapitan siya ni Keaton. "Tingin mo? Alin ang mas bagay sa akin?" tanong nito habang pinapakita ang dalawang magkaibang printed shirt. Saglit siyang nag-isip saka tumingin sa paligid. A beige blouse with a cute cinnamon roll print caught his eyes. Ngingisi-ngisi siya nang kuhanin iyon. "How about you try this instead?" kantiyaw pa niya. Pinaningkitan siya ni Keaton. "Really, dude?" Tumawa siya. "Why not? Ang cute ng design, oh? Cinnamon roll. Bagay sayo." Kinurot niya ang pisngi nito. "Tse!" Tinabig nito ang kamay niya. "Makaalis na nga rito. Wala ka naman kwentang kausap." Inilapag nito sa clothes rack ang kinuhang shirts saka umalis. Mabilis na sinabit ni Lukas ulit ang blouse saka sinundan si Keaton. Hinarang pa nga niya ito pero nilampasan lang siya nito. "Hey, wait up," he said while walking backwardly and keeping up his pace with Keaton. "Ito naman, masyadong pikon. Binibiro lang." "Hindi naman kasi nakakatawa ang biro mo. Para kang gago." Inirapan siya nito. Lukas laughed again. Tapos tinabihan niya ang lalaki saka ito inakbayan. "Alam mo, mabuti pa, kain na lang tayo ng ice cream. Pampalamig ng ulo." Kahit nagpupumiglas ito, giniya niya ito palabas ng apparel store na iyon para maghanap ng mabibilhan ng ice cream. Hanggang sa maka-order sila, nakasimangot pa rin si Keaton. Nang iabot nga niya rito ang ice cream cone, inirapan pa siya nito. Ginulo niya ang buhok nito. "Ikaw, ang sungit mo ngayon. Meron ka ba?" Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Sige, iyan ka na naman! Strike two ka na!" Bigla siyang iniwan nito. Napakurap-kurap si Lukas. Hahabulin sana niya ito pero naalala niyang hindi pa pala siya nagbabayad. Mabilis siyang naglabas ng two-hundred peso bill mula sa wallet. "Keep the change," sabi niya sa babaeng kahera saka kumuha ng isang maligamgam na bottled water at sinundan si Keaton. "Keaton, wait!" sambit niya habang hinahabol ito. Hinawakan niya ang balikat nito saka pinaharap. "Huy! Ba't ba ang pikon mo? Binibiro lang naman kita." Inirapan lang siya nito. Bumuntonghininga siya. "Ano ba kasing kinakagalit mo?" "Wala!" "E ba't ka nagkakaganyan?' "Why bother explain it? Di mo rin naman ako maiintindihan?" Tinilikuran na naman siya nito saka umalis. Marahas siyang napakamot ng ulo. Keaton was starting to hit his nerve. To calm himself down, he did a breathing exercise. Then, he ran after him again. "Man, it's supposedly our first date, and yet you're already upset." Napailing-iling siya. "I guess this will not work." "Hindi talaga! Especially with an insensitive freak like you!" Napatigil siya sa paglalakad. "Aba tong…" Napamaang siya habang sinusundan ito ng tingin. Then, Keaton stopped walking to face him again. "Leave me alone. Magkita na lang tayo sa kotse mo mamayang six." Tapos, umalis na ito. Napakamot na lang siya ng ulo. Ano bang ginawa ko kasi? - To solve the mystery, Lukas called Ciel. Swerte namang nagpapahinga ito sa pagso-shoot nang sandaling iyon kaya nasagot ang tawag niya. "Ano ba kasing ginawa mo at bakit nagalit?" tanong nito matapos niyang sabihin ang dilemma. "Inasar ko lang. Sabi ko kasi, bagay sa kanya yung blouse dahil may cinnamon roll--" "Wait, ano kamo yung bagay sa kanya? Blouse?" "Oo…?"  "Ay nako, kaya pala." Lukas imagined Ciel shaking his head at the other side of the line. "Bakit?" "Ayaw kasi ni Keaton na tinatrato siyang babae. Kapag ganyan, mapipikon talaga iyon agad." Napakurap-kurap siya. "Pero diba bakla siya?" Hininaan niya ang boses para walang makarinig sa kanya.  "P're, di naman porke bakla, gustong maging babae. Gusto man niya ng lalaki pero di ibig sabihin no'n e gusto niyang magka-hiyas. Iba ang trans sa bakla." Napakamot naman ng ulo si Lukas. Hindi niya kasi naintindihan ang sinabi ni Ciel. "So ang kinakagalit ni Keaton e dahil akala niya, iniisip kong gusto niyang maging babae?" "Oo, parang gano'n na nga." And now, that reminded him about his second joke. It was making sense now. Napabuga tuloy siya ng hangin. "I messed up today." Napakamot siya ng ulo. "First date dapat namin ito tapos biglang ganito--" "Teka, teka. Ano? First date? Nililigawan mo siya?" "Parang gano'n na parang hindi," alanganing tugon niya. He was so unsure what to say or how to explain their set-up. Hindi naman kasi nila nilinaw talaga kahapon. Basta ang kasunduan lang nila, hindi malalaman ni Ciel ang tungkol sa inspirasyon ng kantang sinusulat nito. "Panong parang ganon na parang hindi? Di ko gets?" "E basta, iyon na yun," pag-dismiss niya sa topic. "But anyway, pahingi naman ng tips kung paano susuyuin si Keaton, oh? I don't want to end our day badly." "Wow naman, Lukas!" "What?" "Nag-e-effort ka na kay Keaton, ah? Parang kailan lang, diring-diri ka sa kanya." And that made him smile. Truth be told, kahit siya rin ay nagulat sa progress niya. Malaking tulong din siguro kasi na hindi na niya nararamdaman ang episodic lethargy na nirereklamo niya sa sarili. His head felt clear, kaya hindi niya nakakaramdam masyado ng inis. But of course, the most important factor was what happened after he and Keaton had s*x for the first time. Nagkaroon siya ng hallucination noon. He saw an image of his grandfather wanting to beat him. It was so real he was doubting his own sanity. Not until he suddenly heard Keaton's voice. Unti-unting naglaho ang mga nakikita niya. When he gained his senses back, he realized Keaton was hugging him. It was warm and full of comfort. He did not know he needed that until Keaton gave it. At iyon na nga ang naging hudyat para simulan niyang baguhin ang pakikitungo rito. Because Keaton saved him when nobody else did. Bumuntonghininga siya. "Well, let's just say people change." "And Keaton's mouth do the magic. Tama ba?" "Tang ina mo, p're. Kilabutan ka nga." Yet there he was, smiling ears to ears. May punto nga naman kasi si Ciel. Ciel was about to say something but was interrupted by some murmurs Lukas heard over the phone. "Magsisimula na pala kami," sabi nito. "Pero yung tanong mo kanina… ano lang… dalhin mo lang sya sa lugar na mapapanood niya ang sunset. Tapos hayaan mo lang siyang kumalma saka ka mag-sorry. Madali naman suyuin si Keaton. Basta honest ka sa kanya." There was another murmur. "Anyway, sige na. Bye na, pre. Good luck!" Ciel ended the call abruptly. Somewhere na kita ang sunset, huh? Hinimas ni Lukas ang baba. Naalala rin niya ang sinabi ni Keaton kahapon tungkol sa hilig nito sa skyline. And for place na kita iyon? Yes, he definitely knew one. - Kahit halos tatlong oras na ang lumipas nang maghiwalay sila ni Lukas, nagngingitngit pa rin sa inis si Keaton. Isa kasi talaga sa ayaw niya ang stereotyping sa mga bakla na gustong maging babae. He got that a lot when he was still young. Malamya kasi siya kumilos kaya madalas siyang tuksuhin ng mga kalaro niya tungkol sa sekswalidad niya. Madalas siyang gamitan ng pambabaeng pronoun o kaya'y titulo. Nadala niya hanggang sa pagtanda niya ang tungkol doon. At hindi rin nakatulong na si Lukas ang nagsabi. "Di ba, I was right? Hindi talaga siya katiwa-tiwala," ngitngit niya habang inaayos ang binuklat na damit. He got a weird look from nearby customers when he spoke, but he ignored them. "My expectation is already low, Lukas, but what the fuck." May lumapit sa kanya na grupo ng mga babae. Nagpakilala silang fans ng THE DROPOUTS at nag-request ng picture. Agad naman niyang pinaunlakan ang mga ito. "Wait, let me join you!" Keaton did not get a chance to react when Lukas suddenly hugged him from behind and rested his chin on his shoulder. Saktong nag-flash na rin ang camera. The girls screamed when they saw Lukas. Ang isa nga'y yumakap pa at pasimpleng nilamas ang tiyan ni Lukas. "Kayo lang po ba? Wala po ba yung iba?" Luminga-linga ang isa sa mga babae. "Baka andyan si Ciel?" "Ah, no. Kami lang dalawa," tugon ni Lukas. "They're shooting the--" Mabilis na tinakpan ni Keaton ang bibig ni Lukas. Pinandilatan pa niya ito at sinabihang wag madaldal. The girls looked at them suspectedly but chose not to ask questions, anyway. Instead, they complimented their new hairstyle. “Preparation for the new comeback?” tanong ng isa. Lukas smirked. “Who knows? Malay natin.” Nag-iritan ang mga ito saka nag-request na lang ulit ng picture. After three shots, nagpaalam na ang mga ito. "And why are you here, Lukas?" mataray na aniya. "Looking for you, I guess?" Tiningnan nito ang wrist watch. "Anyway, tara. May pupuntahan tayo." Hinila siya nito. Keaton yanked his arm away from him. "At saan naman tayo magpupunta, aber? Just so you know, ang sabi ko, mamayang six na tayo magkita." May mahigit trenta minutos pa siya bago ang napagkasunduang oras. "Hay, Keaton, sumama ka na lang kaya? Surprise kasi ito." "Ayoko! Bahala ka--whoa!" Bigla siyang pinangko nito na parang bigas. "Lukas, put me down!" But Lukas ignored him. Patuloy lang ito sa paglalakad kahit anong pumiglas niya. Holy s**t, this is so embarrassing! Napatakip na lang siya ng mukha at humiling na sana walang makakilala sa kanila. Pinagtitinginan na rin kasi sila ng mga tao. Hanggang sa makarating na sila sa kotse nito. Ipinasok siya ni Lukas sa shotgun seat. Ito rin ang nagkabit ng seatbelt niya bago ito sumakay. "Now, I know you still hate me, but bare with it for a moment, okay?" sabi nito habang ini-start up ang engine. "We'll go to some place you love." Pinaandar na nito ang kotse. I'll definitely love? At saan naman iyon? He assumed it was a carnival. Mahilig kasi siya roon. But the nearest one was burned to the ground months ago kaya imposibleng doon iyon. Unwilling to entertain Lukas, Keaton focused his gaze on the sideways. Hindi niya alam kung saang daan iyon pero may natatanaw siyang dagat hindi kalayuan. And since the sun was close to setting, the water was slowly becoming orange.  Hanggang sa naging pamilyar na kay Keaton ang lugar. He looked around to confirm it, and he was right. Sa Manila Bay pala siya nito dinala. Lukas parked his car near the seaside. Tapos, naghanap sila ng magandang pwesto sa port. They arrived just in time the sun was setting.  Keaton won't deny he was wonderstruck. There was something about sunset that made him feel hopeful. It was as if the sun was being devoured by some unknown force but not willing to go without a fight. With the glamorous burst of colors the sun spreads, for Keaton, this imaginary battle has one message: there is always a beauty in losing. That it is always better to try and fail than giving up without giving it a shot. And with that, hindi niya maiwasang mapaluha. After all, it was his late mom who told him that. Napansin niyang inabutan siya ni Lukas ng panyo. "I don't know why you are crying, but I hope it's not because of me," sabi ni Lukas sa seryosong boses. "But assuming it is, then I apologize." Hindi na nagsalita si Keaton. Sa halip, kinuha lang niya ang panyo nito saka pinunasan ang luha.  Lukas watched him do it before he sighed. "About what happened earlier… I'm sorry," sabi nito muli. "I had Ciel explained it to me, and now I understand." Napatingin siya dito. "Tinawagan mo si Ciel kanina?" Nang tumango ito, noon na niya naintindihan kung bakit siya nito dinala sa Manila Bay. Of course, Ciel knew his weakness! "But, anyway…" Napakamot ng ulo si Lukas. "I did really bad today as your date. I was really insensitive, and of course, this means malayong-malayo pa ang lalakbayin natin para makuha mo ulit yung sparks na naradaman mo with Ciel before." Naningkit ang mga mata niya. "What?" nagtatakang anito. "Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kahapon?" "Yung tungkol sa date? Of course. Bakit naman hindi? After all, you requested na tulungan kita, di ba? How could I say no?" Napakurap-kurap na lang si Keaton. He was getting weird feelings from Lukas's excessive effort. So weird that he cannot identify what he really felt right that moment. It was outright creepy yet there he was, smiling at this act. "But, anyway," muling saad ni Lukas na pumutol sa pag-iisip niya, "the day has not ended yet. At least, bumawi man lang ako dito." When Lukas looked at the sun, Keaton did the same. Yet he could not concentrate, not when he felt Lukas's hand on his shoulder. Hindi pa ito nakuntento, tuluyan pa siya nitong niyapos patalikod! Pinatong din nito ang baba sa bunbunan niya. Napalunok siya. He could feel Lukas's body heat on his neck, and it was making him shudder, as if he's anticipating some action. "I hope you're enjoying this even if this will be quick," bulong nito habang nakatingin sa araw na malapit nang maglaho. "But promise, babawi ako sayo sa ibang araw. Just allow me to know you better. Para di na maulit ang kapalpakan ko kanina." Muli na naman siyang napangiti. "Ang effort, ha?" "Because it's you, Keaton. Because it is for you." And just in time the sun completely vanished, Lukas kissed him on his cheek, making him jolt in surprise. But Lukas did not let him go. Mas humigpit pa nga ang yakap nito sa kanya. "But my promise for you aside, I really want to know you better, Keaton," bulong nito habang nakadukdok ang mukha sa kaliwang balikat niya. "I want to know you more, and understand why I am feeling this way ever since I first laid my eyes on you." Napamulagat na lang siya. What did Lukas just say?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD