Kabanata XXXI: Ang Pagpaslang sa mga Mangatang

1738 Words

HALEYA Pawang pagkunot lamang ng noo ang aking nagawa no'ng sandaling mag-angat ng tingin sa amin ang lalaking kasalukuyang katalastasan ng pinuno ng mga mangatang. Ang kanyang ulo ay nasasakluban ng itim na tela at maging ang kanyang mukha ay ntatakpan din ng itim na kapirasong tela. Tanging ang kanyang mga mata lamang ang masisilayan kung kaya't ang kanyang pagkakakilanlan ay hindi ko matunghayan maging ng mga taong nakapaligid sa amin. Ako ay bahagyang nagbaling ng tingin sa pinuno ng mga mangatang na siyang naging dahilan upang mamalas ko ang pag-igting ng panga nito. Tila siya ay kasalukuyan nang nagngingitngit sa galit. Inilibot ko pa ang aking paningin at sadyang hindi ko maiwasan ang magulumihanan no'ng sandaling mamalas ko ang tila pangamba sa mukha ng iba pang mga mangatang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD