HALEYA Muli nanamang sumapit ang umaga at aking kasalukuyang nilalampaso ang sahig dito sa bahaging harapan nitong lagusan ng balay. Hindi ko nais gamitin ang aking mga kamay sa paglalampaso pagka't tunay na ito ay karimarimarim. Sa halip ay aking kasalukuyang ginagamit ngayon ang aking paa upang ilampaso ang basang tela rito sa sahig. Nadarama kong kay dulas na ngayon nitong sahig pagka't basang-basa na ito ng tubig. "Haa...ayyy!!!" naisigaw ko pagka't ako ay kagyat nagitla no'ng sandaling madulas ang aking kaliwang paa mula sa aking pagkakahakbang paurong sa basang sahig, na siyang naging dahilan ng dagli ring pagkawala ng aking kakayahang makatayo ng tuwid. Ako ay nakaramdam ng pangamba pagka't batid kong kay sakit ng aking matatamasa sa sandaling ako ay bumagsak rito sa sahig. Sub

