Kabanata XXIX: Ang Pagbaligya sa mga Bihag

2076 Words

LIWAY Marahan kong naimulat ang aking mga mata na siyang naging dahilan upang bumungad sa akin ang maaliwalas na umaga. Ang adlaw ay hindi pa lubusang sumasambulat subalit maliwanag na ang buong kapaligiran. Ako ay marahang naglihis ng tingin sa mahal na Hara na siyang kasalukuyang nakasandal ang ulo sa ibabaw ng aking balikat, tila siya ay nahihimbing pa rin sa pag-idlip kung kaya't ako ay hindi na lamang kaagad kumilos. Hindi naglaon ay namalas kong nagtitipon na sa hindi kalayuan ang mga mangatang at tila ba sila ay gumagayak na sa akmang paglisan. Ako ay napangiwi na lamang no'ng sandaling marinig ko ang ungol ng aking sikmura, ako ay nagbaba ng tingin dito pagka't tunay na ako'y nakadarama na ng gutom. Kami ay kanilang hindi pinakain ng hapunan kung kaya't tiyak kong nagugutom na ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD