Nailabas niya ang lahat ng kinain niyang sugpo at maluha luha siya ng matapos magsuka. Nakasunod naman sa kanya si Ace na may dalang tubig. "Damn you!" pinanlisikan ni Lenneth si Ace habang iniinom ang tubig na inabot nito. "Alam mong ayaw ko ng pagkaing may gata, why all of a sudden you give me that food?" "I'm sorry, I thought you will like it like how you like shrimps." Hinging paumanhin ni Ace na halatang pinagsisihan ang ginawa. Ang akala niya kasi.. Nevermind. Ngayong napatunayan niyang mali ang iniisip niya ay makakahinga na siya ng maluwag. Bumalik sila sa mesa at inilayo na ni Ace ang pagkaing inayawan ni Lenneth, nagpasalamat si Ace na hindi naapektuhan ang mood ng dalaga at masigla pa din itong kumain kasama siya. Halos mangalahati ang mga pagkaing nasa mesa, lahat ay si Le

