NAGNGANGALIT na ibinagsak ng isang babae ang babasaging kopita at maririnig ang pagkapira-piraso nito. 'F*ck you, Lenneth! Paano ko magagawa ang plano kong paghihiganti kung laging nakabuntot sa kanya ang Ace Villanueva na yun?!' nag-aapoy ang mga matang bigkas ng dalaga sa kanyang sarili. Simula nung araw na ipahiya siya ni Lenneth sa maraming tao ay nanatili na siya sa dilim at takot magpakita sa ibang tao. Nagkalat ang iba't ibang scandal videos niya na hubo't hubad habang hila siya sa buhok ng walang hiyang si Lenneth. Dahil sa insidenteng iyon ay nagpagupit siya ng buhok at binago ang kulay nito, nagawa niya ding ibahin ang korte ng ilong niya at mas kinapalan pa ang paglalagay niya ng make-up sa mukha. Ngunit gayunpaman ay may ibang tao pa ding nakakilala sa kanya at karamihan do

