KINABUKASAN, pagpasok ni Lenneth sa opisina ay bumungad sa kanya ang masayang si Ace. Pansamantala pa siyang natigilan nang batiin siya nito ng may ngiti sa mga labi. Hindi niya maiwasang manibago sa ikinikilos nito dahil sa mga nagdaang araw na lagi itong seryoso at malungkot. "Lenneth, please call Mr. Enriles, kung napag-isipan niya na ba ang pinag-usapan namin, last time. Also, after lunch remind me, that I need to talk to Mr. Ishmael," sabi nito nang pumasok si Lenneth sa opisina niya. Bahagyang tumango lang si Lenneth at nagpaalam na upang lumabas ng opisina nito. Narinig niya itong pasipul-sipol habang pinipirmahan ang mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa nito. Pagkalabas niya ng opisina ay biglang tumunog ang telepono niya. Rumihestro sa screen nito ang pangalan ni Kenneth, napabu

