Magsasalita pa sana siya ngunit pinatayan na siya ng telepono nito. Naikuyom niya ang mga kamao at hinablot ang memo pad saka marahas na tumayo at tinungo ang opisina nito.
Ace Villanueva! You're a f*cking son of a bastard!
Padabog niyang binuksan ang pinto ng opisina nito at hindi na siya nag-abalang kumatok pa ng pinto, alam naman nitong papasok siya at higit sa lahat wala siyang pake sa iisipin nito.
"You have a closed-door meeting to all stockholders in about twenty minutes. Nasa harap mo na rin ang mga dokumentong kailangan mong pag-aralan--"
"How have you been, Lenneth?" tanong nito sa kanya habang nagsasalita siya.
Hindi niya inintindi ang sinasabi nito at tiningnan ang memo pad. "After ng meeting with the stockholders ay kailangan mong pag-aralan ang mga papeles na nasa right side ng table mo. Nakarecord na din 'yan sa flashdrive na nasa ibabaw ng mga papeles na 'yan. You need it for tomorrow--"
"You look so fine now, did you forget already about me?" Putol ulit ni Ace sa sinasabi ng dalaga.
Itinikom ni Lenneth ang bibig niya at lihim na nagbuga ng marahas na hangin. Nagpatay malisya ulit siya at parang walang narinig na pinagpatuloy ang pagbabasa ng memo.
"Tomorrow at exactly ten in the morning, Mr. Enriles will come and you'll talk about some sort of rebuilding their agency. The information of him is in the folder next to you so you need to study it overnight. That's all for today, tomorrow I will tell you about--"
"Lenneth," tawag ni Ace sa dalaga at tumayo sa kinauupuan nito at inilang hakbang ang pagitan nila. "Will you be my girl again?"
Tuluyan nang tumigil si Lenneth sa pagsasalita at hinarap ng walang emosyon si Ace. Nakipagtitigan siya dito at pilit inaarok ang totoong motibo nito kung bakit bigla itong nagtanong ng ganun.
"Yes," walang gatol na sabi niya sa binata.
Hindi akalain ni Ace na 'yun ang isasagot ng dalaga. Totoo ba ang sinabi nito? Payag na itong maging kanya ulit? Napatawad na ba siya nito sa nagawa niya dito noon? Bago pa man magsalita si Ace upang kompirmahin ang sinabi nito ay narinig niya nang tumawa ng pagak ang dalaga.
"Is that what you want to hear from me?" pasuyang tanong ni Lenneth. "Tapos ano? Anong kasunod, Ace? Hahanap ka ng iba dahil sa nagsasawa ka na ulit sa akin? Sa tingin mo papayag pa akong gawin mong tanga?"
Hindi nakahuma si Ace sa sinabi ng dalaga, hahawakan niya sana ito ngunit tinabig lang nito ang kamay niya. "Don't touch me! I don't want that filthy hands touch me. Hindi mo 'ko kailangang hawakan, kung may kailangan ka you can talk without touching me!"
"Neth, alam kong huli na ang lahat pero sana hayaan mo akong magpaliwanag," mahina at nagmamakaawa nitong saad sa kanya.
Tumingin siya sa relong nasa kamay niya tsaka nagsalita. "The boards are waiting for you, we need to go, Sir. You can't be late for your first meeting, otherwise they will call you an irresponsible and not qualified to sit on that position."
Pagkasabing 'yun ni Lenneth ay tinalikuran niya na ito at nauna nang lumabas. Wala na siyang pake sa sasabihin pa nito.
'Magpaliwanag, my ass! Hindi mo na mabibilog ang ulo ko, once is enough asshole.' ani Lenneth sa kanyang isip.
Pagkalabas niya ng opisina ay sumunod agad si Ace sa kanya. Pormal ang mukha nito at nasa awra ang pagiging makapangyarihan. Napagmasdan niya ang binata dahil mas nauuna ito kaysa sa kanya. Tumangkad pang lalo ito at naging maskulado ang pangangatawan, hindi naitago ng suot nitong formal attire ang naglalakihang muscle sa balikat. Bakat din ang matipuno nitong likod at kahit hindi niya nakikita ay naging mas matikas ang dibdib nito. Kung dati ay perpekto na ang katawan nito ngayon he's like one of those damn Greek God sa sobrang perpekto nito.
Muntik na siyang tumilapon nang biglang huminto ang binata sa paglalakad at tumama ang mukha niya sa matigas nitong likod. Kung hindi lang siya naging maagap ay baka nakalupasay na siya ngayon sa sahig.
"Daydreaming while walking, huh?" saad ni Ace sa kanya na nakataas ang isang kilay.
Naitikom niya ang bibig at pilit itinago ang pagkapahiya. "It's not true, pabigla-bigla ka lang humihinto ng walang pasabi!" pagkakaila niya sa sinabi ng binata.
"Oh yeah? Then can you explain how does you bump at my back kung nakatingin ka sa dinaraanan mo?" nakakalokong tanong ng binata sa kanya
Hindi nakapagsalita si Lenneth at nag-apuhap ng isasagot dito. Hindi pwedeng wala siyang idahilan dahil parang inamin na din niyang tama ang hinala nito.
Tumingin siya sa binata at sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya.
"I'm thinking about my boyfriend!" sabi niya sa binata.
Bigla namang nawala ang ngiti ni Ace at dumilim ang mukha nito. Tumaas ang noo niya at tumingin sa mga mata nito. "I'm thinking of ways on how to entertain him when I got home."
Mapaklang napangisi si Ace sa sinabi ni Lenneth, lihim na nagpupuyos ang kalooban niya sa sinabi nito. Parang gusto niyang sugurin ang lalaking sinasabi ng dalaga at paulanan ng suntok sa mukha.
"You're in the middle of your work. Stop thinking of stupid things, let's go inside." Malamig ang boses na sabi ng binata at pagkatapos ay tinalikuran na si Lenneth.
Lihim namang nagdiwang ang kalooban ni Lenneth nang mapansin ang biglang panlalamig ni Ace. Alam niyang nagalit ito sa sinabi niya at sa mga oras na ito ay nagpupuyos na ang kalooban ng binata.
'Yeah, think of it Ace. Isipin mo iyon hanggang sa mabaliw ka. You want me to be your girl again? Huh! Let's see about that.'
Bago pumasok si Lenneth sa Conference Room ay may isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa labi niya.
Pagkapasok sa loob ng Conference Room ay nagsitayuan ang lahat ng board members at magalang na binati si Ace, ngunit hindian lang nag-abalang ngitian nito ang mga naroon. Gusto niya sanang sitahin ito sa ipinakitang ugali nito ngunit ano ba naman ang pakialam niya kung paano nito patutunguhan ang mga taong nakapaligid dito.
Madilim at lukot ang mukha ng binata, halatang wala ito aa kondisyun upang makipag-usap sa mga kaharap na board members.
"This meeting is for everyone to know that starting today, I will be the CEO of this company. My cousin, Kenneth Villanueva, will be flying to States to handle some of our businesess there. So, hangga't wala pa siya, ako ang masusunod at mag-aayos ng kahit na anong iniwanan niyang trabaho rito," panimula ng binata.
"Also, ayokong may lalapit sa sekretarya ko para lamang itanong angga walang kuwentang bagay at hindi importanteng isyu ng kompanya. Anyone who dares to disobey me will suffer a great loss," mariin nitong wika.
Lahat ay nagulat at nagbulong-bulungan. Ang iba naman ay tumingin kay Lenneth at parang may iba sa mga tingin nila na kahit hindi man sabihin ng mga ito ay alam niya ang iniisip ng mga ito.
Kung kanina ay gusto niya lang sitahin si Ace ngayon naman ay gusto na niyang ibato sa mukha nito ang dala niyang makapal na memo pad. Ano banh sinasabi nito? Gano'n na ba ito kagago at kung anu-ano na lang ang maisip sabihin?
Nang akma siyang magsasalita ay agad siya nitong pinigilan at hiningi ang mga kailangan nitong i-discuss sa mga board members. Wala siyang nagawa kun'di ang isantabi na muna ang galit at inis sa boss niya gampanan ang kanyang trabaho bilang sekretarya nito.
NANG matapos ang meeting ay agad na lumabas si Ace sa kuwartong iyon. Sa loob ng isang oras na closed-door meeting ay nakasimangot ito at parang mainit ang ulo. May ilang boards ang nag-alangang kausapin siya sa dahilang baka masupalpal lang sila. Ginawa ni Lenneth ang kanyang trabaho bilang taga-remind at taga-sulat sa mga importanteng detalye sa meeting na iyon. Panaka-naka niyang tinitingnan ang seryoso nitong mukha ngunit kahit minsan ay hindi siya nito tinapunan ng pansin.
"Ms. Morales, ano ang masasabi mo sa bagong Big Boss?" tanong ni Mr. Fuentes. One of the board members and laging nakikipagkwentuhan sa kanya kapag may free time siya.
"Arogante at antipatiko," sagot niya.
Natawa si Mr. Fuentes sa sinabi ni Lenneth at sinabayan ito sa paglalakad palabas ng kwartong 'yun.
"Kaya mo bang makisama sa ganyang klaseng lalaki? If not pwede kong kausapin ang secretary ko na makipag switch sayo and you will be my secretary of course," nakangisi nitong suhestiyon sa kanya.
"Mr. Fuentes, thank you for the offer pero I think I can handle him. Hindi naman siguro magkalayo ang ugali nila ni Sir Kenneth besides hindi ko kailangang makisama sa kanya as long as I'm doing my work well," nakangiting bigkas ni Lenneth sa lalaki.
Alam niya kung bakit gusto siya nitong maging sekretarya, hindi lingid ang pagiging malapit ng lalaki sa kanya. He's fantasizing her and drolling over her body. Hinahayaan niya lang na makipag-usap ito sa kanya pero hanggang doon lang yun. Malandi siya pero hindi lahat ng lalaki pinapatulan niya.
"Okay, but if you have a problem. You know where you can find me," nakangiting saad nito at kinindatan siya bago umalis.
Napailing naman siya sa inasta nito at naglakad pabalik sa opisina ni Ace para ibigay ang memo niya at nang mapag-aralan nito at mareview.
PAGKABUKAS ni Lenneth nang pinto ng opisina ni Ace ay inulan siya nito ng tanong.
"What took you so long? Bakit ngayon ka lang dumating? What did you do after I go?" sunod-sunod na tanong ni Ace sa kanya.
Napanganga si Lenneth sa mga tanong nito. He's being ridiculous again! "Sir? You're asking me why the hell did I do after you go? Malamang pinagpupulot itong mga dokumento na kailangan mong pag-aralan ngayon!" Singhal niya sa binata sabay ibinagsak sa mesa ang ilang papel na dala-dala niya.
Humalikipkip ang binata sa harap niya at parang hindi naniniwala sa sinabi niya. Nanggigil na pinanlisikan niya ito ng mata at pinipigilan ang sariling mamura ito.
"It's up to you kung pag-aaralan mo 'yan or hindi, I'm going and I'm done here for today." Mataray pang dagdag na sabi ni Lenneth at saka tinalikuran ang lalaki.
"You can't go home early sasamahan mo akong mag- overtime ngayon. Kailangan kong pag aralan ang mga papeles na ibinigay mo at ang mga iniwang gawain ng pinsan ko," maawtoridad nitong saad sa kanya.
Marahas ang naging paglingon ni Lenneth sa binata at tinapunan niya ito na matalim na tingin.
"The hell I care about those damn documents! It's not my business and review it by yourself Sir!" matapang na pambabara ni Lenneth dito.
"I am your Boss and that's my order. You will stay here with me and assist me, end of discussion." Matigas ding saad ni Ace.
Ayaw niya itong pauwiin dahil sa sinabi ng dalaga kanina tungkol sa boyfriend nito. Hindi mawaglit sa isip niya ang mapang-akit nitong ngiti habang sinasabi nito sa kanya iyon kanina. Iba't ibang senaryo ang lumilitaw sa utak niya at lahat ng iyon ay halos magpabaliw sa kanya.
"To hell with your goddamn order, Sir!" singhal ni Lenneth sa pagmumukha nito. "Magsarili ka at huwag mo akong idamay, may pa 'assist me'- 'assist me' ka pang nalalaman pa*yu ka! Pag-aralan mo mag-isa 'yan at kompanya niyo naman yan. Kung may hindi ka naiintindihan paganahin mo 'yang utak mo! Tawagan mo ang magaling mong pinsan at sa kanya ka magpa assist sa bagay na 'yan! Aalis na ako at hindi mo ako mapipigilan!" walang prenong atungal ni Lenneth sa binata.
"You're being ridiculous and inconsiderate Lenneth, I am your boss at dapat sinusunod mo ang gusto ko. I'm asking you to assist me dahil ikaw ang nandito at secretary ni Kenneth. I'm sure may alam ka sa takbo ng kompanya." Nakakunot ang noong saad ni Ace sa dalaga.
Kitang-kita ni Ace ang pagbabago ng anyo ng dalaga at kulang na lang ay pumutok itong parang bulkan sa pula ng mukha nito.
"Letse ka! Uuwi ako at hindi mo 'ko mapipigilan. Trabahuin mo 'yan mag-isa! P*ta*gina mo, sasaluhin mo responsilidad na hindi mo naman pala kayang panindigan!" Singhal dito ni Lenneth at binirahan ng alis. Hindi niya na ito inantay pang magsalita at isinara nang padabig ang pinto.
Wala siyang pakialam kung boss man niya ito o ano, galit siya at alam niyang nanadya lang ito.
'Ang ganda ng simula ng araw ko tapos magtatapos sa walang kwenta!' Nagpupuyos pa din sa galit si Lenneth hanggang sa makarating siya sa basement at makasakay sa sasakyan niya. Mabilis niyang pinaharurot ito pagkatapos tawagan ang kambal.