I watch him carefully as he pull away the cloth cover from the canvas. All shades of green shows up. The trees look so green as if the rain washed away all the remnants of dust that clings in it. In the left lower part of the canvas is a girl sitting in a bench holding a book. A girl in pink blouse and denim skirt.
Hindi ko maiwasang hindi humanga sa painting niya. Simple yet catchy.
Although his painting isn't perfect, you can see some flaws in it.
Nandito kami ngayon sa may studio niya. Kulay puti ang paligid at may isang full length mirror sa gilid ng pintuan. Kung lalabas ka makikita mo ang itsura mo. Kaya kanina bago kami umalis upang kunin ang kanyang painting ay huminto ako doon para icheck ang itsura ko.
Ang kanyang studio ay located sa second floor ng shop ni Lola Prisella. Hindi ko napansin dati na mayroon pala itong second floor kaya manghang-mangha ako kanina nang pumunta kami dito.
Napatingin ako sa kanya nang bigyan niya ako ng paint brush. Sandaling nanlaki ang mga
mata ko at umiling.
"I don't think that's a good idea. Oo love ko ang art. Pero art doesn't love me back. Kaya no."
"Practice lang naman. Malay mo ma discover mo pala na magaling kang magpaint." He shrugged when he took back the paint brush and put it in his table.
"Nakailang practice na ako pero waley pa rin. Kaya di ko na pinilit pa. Sadyang ayaw talaga ng art sa akin." I joked.
"If you don't have any talent in art, then where are you good at?" He asked.
Bull's eye.
Palagi kong iniiwasan ang ganyang tanong. Whenever I hear that question palagi ko ring tinatanong ang sarili ko kung ano nga ba ang silbi ko? At kung bakit ni isang talent wala ako?
I am not a good singer.
Parehong kaliwa ang mga paa ko.
Stick figures lang ang kaya kong idraw.
I always hurt myself whenever I tried to practice on how to sculp.
I don't know how to answer him. At kung may isasagot ba ako.
I need to change the topic. Hindi ko gustong umabot kami sa time na mag-breakdown ako sa harap niya. And were not that close enough for me to open up to him.
"Nasaan pala si Lola Prisella? I haven't seen her kada dadaanan ako dito."
Umupo ako sa upuan na nasa likod niya. Habang siya naman ay nakaupo sa isang stool paharap sa kanyang desk.
Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita kung ano ang reaction niya or nahalata niya na iniba ko ang topic.
"She's out of the country. Again."
Patuloy lang ito sa ginagawa niya sa kanyang mesa. Tumayo ako at lumapit sa isang painting na nakasabit sa may dingding.
It' a painting of a girl who's back is naked while sitting inside a bath tub. Naka frame ito at talagang alagang-alaga. You can't see any specks of dirt nor scratches from the glass.
"Si Lola 'yan. Nung kabataan niya pa."
I literally put my hand in my chest when I heard Priam beside me.
Tangina 'to, hindi man lang nag paramdam.
"Papatayin mo ba ako ha?" I glared at him at hinampas siya sa braso.
Hindi ito sumagot at ngumiti lang.
Kung hindi lang ito gwapo kanina ko pa ito sininghalan. Pasalamat sya sa genes niya at naging ganyan ang itsura niya.
Dalawa na kami ngayon ang nakatingin sa painting. Hangang-hanga ako sa kung sino man ang nagpinta nito. Detailed na detailed ang pagkapinta. Tila pininta ito with love. Bawat stroke ng brush ay parang ingat na ingat para hindi kumurba ang mga linya.
It is also my dream to be a model of a painting. Gusto ko ring ipinta nang nakahubad. Gaya ni Rose sa Titanic. But I want the painter to be my lover or my husband. At kung hindi ko man boyfriend o asawa hindi nalang ako magpa-paint.
"What are you thinking?"
Bumalik ako sa reyalidad nang tanungin ako ni Priam. Hindi ko naman masabi sa kanya ang iniisip ko at baka pagtawanan lang ako nito. Tsaka baka ang laswa ng dating sa kanya ng iniisip ko.
"Wala. Sino ang nagpaint nito?" Tinuro ko ang painting at tumingin sa kanya.
"Si Grandpa," he answered.
"Seryoso? Magjowa na sila ng lola mo nang ipininta niya ito?"
Nagkibit-balikat lang siya at bumalik sa upuan. Hinabol ko naman siya dahil hindi niya pa sinagot ang tanong ko.
"Uy, magjowa na sila Lola noon nung ipinta niya yun?" Sinundot ko ang tagiliran niya kaya napaharap ito sa akin.
"Si Lola ang tanungin mo, hindi ako," seryoso nitong sagot kaya tumigil na ako sa kakatanong.
Napa-pout nalang ako at bumalik para tingnan ulit ang painting. Kinuha ko ang upuan na nasa tabi niya kanina at tumingin ito sa akin. Inirapan ko ito.
"What?" Nagtatakang tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at nilagay ang upuan sa harap mismo ng painting. Mabuti nalang at may sandalan kaya nang may nakita akong maliit na silya ay kinuha ko ito at nilagay sa harap ko para paglagyan ng mga paa ko.
Prente lang akong nakaupo habang tingin nang tingin sa painting hanggang sa hindi ko na makayanan ang antok.
An aromatic yet delicate smell of vanilla lingered on my nose as I open my eyes. I almost jump on the chair when I saw Priam looking at me inches away.
"Pakshet ka! Ba't ang lapit mo?" Tanong ko nang hindi pa rin ito umalis sa harap ko.
"You're dreaming," kaswal nitong sabi.
Dreaming? Eh gising na ako!
"Hindi ako nanaginip no! Gising na ako!"
"A while ago, you're dreaming."
Seryoso siya? Baka pinagtitripan na naman ako nito.
Tinaasan ko siya ng kilay. Pero kumibit-balikat lang ito.
"May sinabi ba ako?" I asked.
Madalas kasi pag nananaginip ako nagsasalita ako. May time rin na ang mga sinasabi ko tungkol sa mga nangyari sa araw ko. Ang mga saloobin ko.
"Meron."
Shocks! Ano naman kaya ang mga sinabi ko?
"W-What did I said?"
"You wanted to be painted while you're naked."
Parang tinakasan ako ng dugo nang marinig ang sagot niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil kaharap ko siya.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Nakatingin ito sa akin pero sa mga paa ko ako nakatingin. I don't have the face to look at him because of what I had said in my dream.
Panaginip nga lang iyon pero its true. Gusto ko rin naman talagang i-paint kaya lang I am not yet ready.
Nag-ring ang cellphone ko kaya nasira ang silent moment namin. Agad ko itong sinagot nang makita na si Mama ang tumatawag.
"Yes, ma?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Ano'ng "yes-yes" ka diyan! Nasaan ka na? Kanina pa kayong wala klase ah!" Inilayo ko sa aking tenga ang cellphone ko dahil sa pagsigaw ni Mama.
Grabe naman to! Ang aga pa naman eh!
"Ano ba Ma! Ang aga pa naman eh! Maliwanag pa nga dito."
"Ano'ng maaga! Ala-sais na, Cron! Jusmiyo! Saan ka pa pumupunta kang bata ka!"
Holy shockers! Seryoso?! Agad kong tiningnan ang cellphone ko at tama nga si Mama, 6:10 pm na.
Shit! s**t! Agad kong kinuha ang bag ko sa may upuan at dali-daling lumabas ng studio ni Priam. Napahinto ako nang may mapagtanto.
Tinampal ko ang noo ko nang makitang maliwanag pala sa studio ni Priam dahil maraming ilaw at puti pa ang pintura nito. Pero dito sa labas madilim na.
"Ihahatid na kita."
Napatingin ako kay Priam nang makitang papalabas na rin ito ng studio.
"Hintayin mo ako sa labas. Kukunin ko lang yung bike ko." Sabi nito at naunang bumababa sa akin.
Sumunod naman ako at lumabas na sa may gate at naghintay sa labas ng shop. Ilang sandali dumating na rin si Priam dala ang mountain bike niya.
"Hop in."
Walang pasabi na umangkas ako sa likod niya at kumapit sa polo niya. Tiyak na mi-misahan na naman ako ni Mama mamaya.
Matagal ba yung tulog ko kanina? Ba't kasi hindi ako ginising ni Priam.
* * * * *
I thanked him for the ride and wave at him while he is going back to the shop.
Pumasok ako sa bahay at nadatnan si Mama sa may sala na nakaupo sa may sofa. Alanganin akong ngumiti at lumapit sa kanya.
Niyakap ko siya at hinalikan siya sa pisngi. Bago pa man ako humiwalay sa kanya ay kinurot na niya ang tagiliran ko.
"A-Aray! Mama naman eh!" Napadaing ako sa sakit dahil sa ginawa niya.
"Saan ka ba pumupunta kang bata ka?" Pasigaw na tanong niya.
"Diyan lang naman po," sagot ko at umakyat na sa kwarto.
May sinasabi pa si Mama pero hindi ko na siya pinakinggan pa. I was occupied by what happened a while ago. Ano nga ba ang talent ko? What should I do to discover it? Or sadyang wala talaga akong talent?
I'm jealous at Carol. She found her talent. She wants to be a pianist.
I'm jealous at Laina and Rhea because they found their talent in singing.
Binitiwan ko sa sahig ang bag ko at sumalampak sa kama. Inabot ko ang switch ng lamp sa may side table at in-on ito.
Unang bumungad sa akin ang painting na naka display sa may ding-ding sa may paanan ng kama ko. Agad ko namang naalala ang panaginip ko kanina.
Para akong bulate na nilagyan ng asin na sumisipa habang takip ng dalawa kong kamay aking mukha. Out of all people siya pa yung nakakita ng pag sleep talk ko. Tapos ang lapit-lapit niya pa. Shet lang! Pero ang bango niya! Vanilla huh? Adik sa vanilla.
Ayaw ko tuloy magpakita sa kanya.
* * * * *
Isang linggo na mula nung nanaginip ako sa shop ni Lola Prisella pero hanggang ngayon hindi pa rin ako ulit nakabalik doon. Nahihiya ako kay Priam.
"Gurl! May hindi ka sinasabi sa akin no?" Nakataas ang kilay na tanong ni Carol sa akin.
Nagtaka naman ako sa tinanong niya. Sa pagkakaalam ko wala naman akong hindi nasabi sa kanya.
"Ano na naman yan?" Tanong ko habang nagliligpit ng gamit dahil kakatapos lang ng klase namin.
"Sabi ni Satiya may jowa ka na raw. Nakita ka raw niyang naka-angkas sa bike nung lalaki," sabi niya.
Ang walang-hiyang Satiya! Kahit kailan napaka-chismosa!
"Duh! Kahit kailan yang si Satiya walang ibang sinasabi kundi fake news!" Pagtatanggol ko sa sarili. Eh hindi naman kami mag-jowa ni Priam eh.
"So hindi mo jowa yung kasama mo?" Paninigurado ni Carol. Ito'ng si Carol kahit kailan paniwalang-paniwala kay Satiya na yan eh.
"Alam mo Carol, wag kang maniwala diyan kay Satiya. Kung saan-saang bibig na sumalin yang chini-chismis niya. Ibang-iba na sa tunay na istorya." Mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Yes madam." Sagot nito at hinawakan ang aking kamay at sabay kaming lumabas ng room.
"Recess muna tayo. Nagugutom na ako," reklamo niya at walang pasabing dumiretso sa canteen.
Pagkapasok namin ng canteen ay halos hindi kami makahinga sa sobrang dami ng students. Ganito talaga kapag recess time kaya minsan nawawalan na ako ng ganang mag-recess. Kung pupunta man ako tuwing 3rd period nalang kasi minsan wala nang tao.
"Sana mamaya nalang tayo pumunta dito eh. Ang sikip!" Reklamo ko habang tangay-tangay niya ako papunta sa mga stall ng pagkain.
"Eh sa gutom na ako eh. Baka ubos na naman mamaya ang tuna sandwich."
Tumingin-tingin ako sa mga stall baka sakaling makakita ako ng spaghetti. Kaya lang iba ang nahagip ng mga mata ko at parang magha-hyperventilate na ako. Idagdag mo pa ang init at sikip ng canteen.
After all this time, dito lang pala siya nag-aaral?
Nasa harap siya ng isang stall at may kinuha mula sa tindera. Dalawang styro box at dalawang bottled water. Mukhang hindi siya gutom ah?
Napalinga-linga ito kaya automatic akong napatakip ng mukha. Shocks! Sana hindi niya ako nakita.
Hindi ko alam kung gaano katagal kong tinatakpan ang aking mukha at basta nalang akong kinalabit ni Carol at inayang lumabas na.
"Wala kang binili?" Tanong nito habang binubuksan ang kanyang sandwich.
"Wala. Ang sikip eh!" Inaayos ko ang buhok kong nasira habang papalabas kami pero bago paman kami makalabas sa may pintuan ay may humarang na sa amin.
Gulat akong tumingin sa lalaking umabot sa akin ng isang styro box at isang bottled water. Halos lumabas na sa aking rib cage ang aking puso sa kakatibok nito ng malakas.
"Sorry kung may nasabi man akong hindi maganda nung isang linggo. Pero pwedeng bumalik ka na sa shop?"
Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga sinasabi niya. Dahil ba iniiwasan ko siya?
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang binigay niya nang hindi ko ito tinanggap. Bumuntong-hininga siya at tiningnan ako.
"Bumalik ka at may sasabihin ako sa'yo."