"Surprise!" Muntik nang lumabas ang puso ni Lyka mula sa ribcage sa sobrang pagkagulat. Ang mukha kaagad ni Chuck na ngising-ngisi ang bumungad sa kanyang harapan. "Ano ba! Papatayin mo ba talaga ako sa gulat palagi, ha?!" Buwisit talaga ang lalaki na 'to. Wala talagang araw na hindi niya ako binubuwisit. Kahit wala naman akong sinabi na bumuntot siya sa akin ay ginagawa pa rin niya. "Don't overreact too much. You won't be dead at first, before having a heart attack," tatawa-tawa pa nitong sagot. Pa-English-English pa kasi lalo tuloy akong nagiging low-blood sa dugo na lumalabas sa ilong ko ngayon! "Ano na naman ba kasi kailangan mo, ha?" asik niya sa binata pagkaraang makabawi sa gulat. Kailangan niya talagang pakalmahin ang puso niya kundi baka inatake na talaga siya doon

