Nakahiga sina Lyka at Chris sa hood ng sasakyan ng binata habang nakatanaw sa napakagandang langit. Ang swerte ng pagpunta nila roon at nakikita nila ang nangingislapang mga bituin. Parang sinadyang lumitaw ng mga ito para lamang sa kanila. "I always come here kapag malungkot ako, kapag gusto ko mawala lahat ng iyon at mapalitan ng saya," pagkukuwento ni Chris habang nakatanaw sa langit. Ang isang kamay ng binata ay nakaunan sa ulo nito at ang isa ay nakahawak sa nanginginig na kamay ni Lyka. Literal kasi talaga ang pangangatog niya dahil sa daplis ng hangin. Kulang na lang ay umulan ng snow sa sobrang lamig. Nanunuot na iyon sa balat niya at tiyak na kakabagin siya nito pag-uwi. "Everytime na pinagagalitan ako ni Papa, palagi lang ako pumupunta rito at nagbibilang ng mga bituin.

