I know I shouldn't be here and hear all these things but the moment I hear my mom's name, it caught my attention. "Huy! Ano ka ba? Baka mamaya may makarinig sa iyo diyan na pinag-uusapan natin si Ma'am Yuna." Bulong ng isa pa. I'm not familiar with their voices pero tingin ko ay isa ang mga ito sa mga batang kasambahay. Madalas ko lang kasing kausapin ay si Ate Marya at Manang. "Pero, oo nga ano? Hindi ba hepe ng pulis si sir, pero bakit hanggang ngayon hindi pa nahuhuli pumatay sa asawa niya?" Kumunot ang noo ko. Panandalian silang nanahimik at tanging tunog lang ng mga gamit ang naririnig ko. Isiniksik ko pa ang sarili sa pader, nagbabakasakaling marinig pa ang kung anong pinag-uusapan nila. Sobra-sobra ang bilis ng pagtibok ng puso ko sa ginagawa. Pakiramdam ko ay isang malaking kasa

