I sat at farthest corner of the shop. Nakakahiya na ganito ang suot ko, sa ganitong oras habang umiinom ng kape at mag-isa. Para akong nasa isang drama kung saan iniwan ako ng boyfriend ko sa party at heto ako, nagmumukmok. "No. I heard the guy is still in the jail. Mabuti nga sa kaniya." A girl wearing pink flowery dress laughed hysterically along with her two other friends. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanila lalo na't dalawang lamesa lang ang pagitan nila mula sa akin at ang malakas nilang boses ay hindi madaling ignorahin. They were like, fancy chismosa gano'n. "Hindi ba't hindi naman siya ang nakabangga?" The sporting a short hair said. Tinanguan siya ng babaeng naka-floral dress. "Yeah. I think tauhan yata ni Chief. I'm not really sure. Update ko kayo if ever may masaga

