Tulala akong naglakad pabalik sa higaan matapos iyon. Hindi ko alam kung natulog na si daddy o ano but the fact that gusto na niyang ipa-close ang case ni mommy is something unacceptable for me. Ganoon na lang ba kadali iyon? Basta-basta na lang isusuko ang laban na hindi pa nga nagsisimula? Bakit parang wala lang sa kaniya? Hindi ba dapat galit siya sa pumatay kay mommy but why does he seems so, walang pakialam? I mean, how can he ask to close the case and let the killer roam around, doing whatever, living his or her life to the fullest while we are here, suffering, sad, and still grieving? I kept on thinking possible reasons why would my dad do that pero wala. Wala akong mahanap na sagot kung bakit tila kay dali lang sa kaniya ang desisyong iyon. Hindi ba dapat ay siya pa ang nangungun

