I couldn't sleep. Ilang libong tupa na ang binilang ko, nasama ko na rin pati ang mga kabayo at kalabaw ay wala pa rin akong nararamdaman na antok. Inis akong umupo sa kama at galit na tingin ang ipinukol ko sa pader. Kung nakakapagsalita lang iyon ay baka kanina pa ako minura sa sama ng tingin ko. "I hate this!" Singhal ko bago muling ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. "Oh, sleep, where the f*ck are you?" Nilingon ko ang cellphone na nakalapag sa bedside table. Kinuha ko iyon at nagpalipas oras sa pagtingin ng mga social media. Boring. Pinagdiskitahan ko naman ang remote ng tv na nasa study table ko. Masyadong malayo at nakakatamad tumayo kaya naman inignora kong muli iyon. Sinubukan kong pumikit habang yakap ang malambot na unan ngunit ilang minuto na anh lumipas, gising na gi

