"Where's Justina?" Nilingon ko ang pintuan kung saan nandoon si daddy na kapapasok lang sa bahay. Napatingin siya sa banda ko, "there you are.." aniya at lumapit. May bitbit siyang maliit na paper bag na may tatak ng isang kilalang brand ng cellphone. Umupo siya sa tabi ko at masayang iniabot iyon sa akin. "Here's a gift for you. Kumain ka na ba ng dinner?" Kinuha ko ang inabot niya at tinignan iyon. It's a brand new phone at iyon pa ang latest release ng company na ito. "Hindi na po dapat kayo bumili nito. My phone's still fine at kabibili niyo lang ng laptop ko, dad..." usal ko. Inilapag ko ang paper bag sa center table at pinatay ang tv. I'm watching random music video sa tv while making my assignment dito sa sala nang dumating si daddy. Ang mga assignments na ibinigay ng mga panghap

