BSB CHP1

2967 Words
Prologue:⏬⏬ "Hindi pa man nagkakaroon ng buhay ang Twenty two years old na si Maura Saturno ay napaghandaan na ng kanyang ama ang kinabukasan nya at ang magandang buhay malayo sa naranasan nitong dating buhay noon. Ngunit napuno ng galit ang puso ni Maura at naging isang kreminal dahil sa paghihiganti na buhay ang kinuha kaya buhay rin ang kapalit. Dahil ang masaya at kompleto nyang pamilya ay naubos ng dalawang beses sa parehong pangyayari at iisa lang ang mga taong may kagagawan nagtungo si Maura sa isang bahay ng kanyang amo para makisilong pansamantala habang nagtatago sa mga taong pumatay sa kanyang pamilya. Agad naman syang pinatuloy ng kanyang Ninong Alan at Ninang Tessie na nagtratrabaho rin sa bahay ng mga Ocampo ngunit kapalit nito ay ang pagtatago nya muna para hindi sya makita ng binata nilang amo na si Philip Ocampo dahil baka malaman nito ang delikadong nasangkotan na problema ng kanyang pamilya at paalisin sya na ayaw mangyari ng dalawang matanda. Mahabang panahon na hindi sila nagkikita ni Philip dahil naging abala ito sa negosyo nitong palaisdaan at hindi madalas maglagi sa isa nilang bahay kong saan nagtratrabaho ang pamilya ni Maura. Ang pag Dagdag ng edad ni Philip na thirty one years old, ay bumagay sa kanya at mas lalong naging gwapo ngunit may karismang nagpapakaba kay Maura habang pinagmamasdan nya ito sa malayo ang kanilang pag tatagoan ay may pilyo naman itong alagang aso na nagturo sa kanya upang makita sya ng binatang amo. Puno rin ng gulat si Philip ng makita nito si Maura na isa ng ganap na Magandang Dalaga ngunit mas lalong may lungkot sa Maganda nitong mata ng kanya muling makita inalok nya si Maura na sa bunsong kapatid nya nalang ito magtrabaho kapalit ng mas malaking sahod kompara sa sasahodin nya bilang isang teacher. Agad namang pumayag si Maura sa mungkahi ni Philip kahit taliwas ito sa kanyang kurso at pangarap sana nyang makapag turo sa kinalakihang bayan. Ngunit ng magsimula na si Maura magtrabaho sa kababatang si Pearly ay tinupad nito ang sinabi sa kanya ng malaman nito ang Totoong dahilan kong bakit sya napunta sa isang bahay nila at palihim sya nitong pinag aral. Kong paano nya idedepensa ang kanyang sarili sa mga taong may masamang hangarin sa kanyang buhay dahil may pag aari ang asawa at hipag nito na Martial arts trainings center. Ngunit ginamit ni Maura ang kanyang natutunan sa palihim ding paghihiganti inaral nya ang kilos ng kanyang mga kalaban at tulad ng sinapit ng kanyang pamilya ay isa– isang din nya pinatay ang mga ito at kinuha pa nya ang perang kinita ng mga ito sa ilegal na hanap buhay. Ginamit nya ang perang nakuha sa legal na negosyo at nagbukas sya ng restaurant ngunit nakita ni Philip ang bagong bukas na restaurant at nag alok ito ng kanyang negosyong isda at maging isa sanang supplier nila ngunit laking gulat nya ng makita si Maura sa loob ng kusina at nag mamando sa mga staff." At hindi tinantanan ni Philip ang Dalaga hangga't hindi nya nalalaman ang Totoo. Kasabihan nga ng matatanda walang lihim na hindi nabubonyag ngunit para kay Maura ay sapat ng malaman ni Philip ang sekretong negosyo nya at hindi na nito malaman pa ang tungkol sa lihim nyang pagiging isang kreminal na rin para sa paghihiganti at pilit nyang iniiwasan ang maligalig na si Philip dahil baka isumbong sya nito sa kanyang tyahin at tyohin na nagtratrabaho sa pag aaring palaisdaan ng Binata. Ngunit kahit anong iwas ni Maura ay parating sumusulpot ang gwapong binata dahil sa panunukso ng mga kaibigan ni Philip na baka maunahan pa sya ng iba kaya bantay sarado nito si Maura umulan man at umaraw ay parati itong kumakain sa pag aaring restaurant ng Dalaga. ⏬⏬ Chapter 1 "Mommy!" Ako na ang mag didilig sa mga halaman wika ko sa ina na abalang maghimay ng mga dahon ng malunggay na ilalahok nito sa tinolang ulam namin mamayang gabi. Alas tres palang anak mapapasma ang mga halaman ko." Nako Mommy!" Hindi tao ang mga halaman ikaw nga ang aga mo rin mag himay nyang malunggay kahit mahaba pa ang oras. Bastos!" Kang bata ka ang dami mong katuwiran eh, sa gusto Kong tapos na lahat ng gawain ko para igigisa ko nalang mamaya. Ganon din ako Mommy gusto ko wala na akong gagawin mamaya natatawang sagot ko sa inis ng ina. "Sige ikaw na ang bahala wala na akong sinabi kapag namatay yang mga tanim ko lagot ka sa akin naiinis kong sagot kay Victoria at napabuntong hininga nalang dahil ayaw rin nito magpatalo sa katuwiran. Nagmamadaling na akong lumabas sa bahay at sinimulan ko agad ang pagdidilig namumutiktik sa bulaklak ang veranda ng bahay namin dahil mahilig si Mommy sa mga halaman lalo na ang bougainvillea na may iba't ibang kulay at ng matapos ay naupo ako sa racking chair ni Daddy, habang nakatanaw sa ibaba ng bahay namin. "Napatayo ako mula sa inuupoan ko ng makita ko ang dalawang pinsan na naglalakad sina Jamila at Camille saan kayo puponta tanong ko sa mga ito ng mapatingin rin sila sa akin. Manunuod kami ng basketball gusto mo bang sumama sagot ko kay Victoria. "Oo, sige sasama ako sagot ko at nagmamadali akong pumasok sa loob para magpaalam kay Mommy, sasama po ako kina Jamila at Camille puponta lang kami sandali sa plaza paalam ko sa ina. "Huwag kayong masyadong magtatagal huh, baka dumating na ang Daddy, mo namili yon ng mga paninda natin wala syang katulong mag akyat sagot ko sa anak dahil bibihira lang itong lumabas ng bahay kaya nagulat ako ng mag paalam ito. "Sige Mom, saglit lang kami promised!" pagkatapos ay lumabas nako sa bahay namin at magkakaakbay kaming magpipinsan na nagtungo sa plaza 'di kalayoan sa bahay namin ngunit halos hindi naman namin makita ang mga naglalaro dahil sa dami ng taong nanunuod kaya ang panunuod sana ay nauwi sa pagkain namin ng mga street food na nagkumpolan din sa gilid at habol ding kumita may paliga kasi at maraming grupo ang naglalaban. Samantala Putangina!" Mura ko at nahilot pa ang ilong kong nasiko nanalo nga kami pero tila gustong sirain ng nakalaban namin ang gwapo kong mukha may pera kaba dyan Carlo tanong ko sa kaibigan. "Ako pa ba syempre meron sabay iniwan ko ang kaibigang mainit ang ulo dahil dumugo ang ilong nito ng masiko kanina lumigid ako sa maraming taong nagsisiksikan at maingat kong pinuntirya ang bibiktimahin at walang kahirap hirap kong nakuha ang wallet nito bago muling bumalik kay Albert. Hinubad ko ang suot na Jersey ng makita ko si Carlo na pabalik na at parang tumama sa lottery ang pagkakangiti nito. "Oh, subra-subrang pang ice tubig ito nakangiti kong inabot kay Albert ang nakuha kong wallet sa isang nakikipag siksikan na nanunuod pa sa pumalit na team ng matapos ang game namin. Tarantado!" Ka talaga Carlo pero malaman huh, wise ka pumili hindi ka lugi kapag nahuli kasyang pang pyansa mo sabay halakhak ko at binilang ko ang lilibohing laman ng wallet pagkatapos ay pasimpleng inihulog ko sa basurahan ang wala ng lamang wallet at hinati ko ang pera. Para sa'yo baka sabihin mo namang sinulo ko. "Hm-mm.. hindi naman ako ganyan mag isip pare kaya kong mabuhay mag isa ilang diskarte ko lang ay hindi nako magugutom kahit na umupo lang ako maghapon sagot ko sa kaibigan at naglakad na kami patungo sa mga halera ng nagtitinda agad kaming bumili ng ice tubig at salitang sinipsip naming dalawang magkaibigan at ang natira ay ipinanghilamos namin sa pawisang mukha. A-Ate!" Isa pa nga po ng ice tubig wika ko sa malakas na boses dahil abala itong magsukli ngunit napatingin ako sa magandang Babaeng nagbabayad at halos punong–puno pa ang bibig sa kinakain nitong street food. "Ang ganda noh, pero mukhang tagilid ka dyan pare bulong ko sa kaibigan. "Ikaw lagi kang kontra tinitingnan ko palang inis na tinalikoran ko si Carlo at muling napatingin sa Babae at sinundan ko ito ng tingin kong saan sila uuwi. Anak yan ni Mang Vincent Fajardo at Dalaga pa oh, ice tubig mo abot ko kay Albert na panay ang tingin kay Victoria yong may ari ng malaking grocery sa tabi ng palengke Saba't ko sa binatang parating sumasali sa paliga ng Brgy. Namin." Salamat po ate at sa impormasyon sabay kindat ko pa at naglakad na pauwi sa bahay namin habang panay dikit ko ng ice tubig sa ilong ko na masakit pa din. "Sige pare uwi na din ako paalam ko kay Albert ng matanaw ko ang Daddy, nitong bagong dating lang din. Tango lang ang sagot ko sa kaibigan at padabog kong binuksan ang gate namin. Simpleng maingat na pagbukas lang hindi mo magawa kailangan ba talagang may tunog huh, nakapameywang kong sita sa anak na mukhang na injured nanaman sa paglalaro nito ng basketball. Ganito talaga Dad, ang mga anak na walang silbi maski pagbukas ng gate ay tamad pilusopo kong sagot sa ama. Mabuti naman na alam muna at hindi ko na kailangan pang sabihin kaya wala kang asenso hanggang ngayon matanda na kami ng Mommy mo pero kami pa din ang bumubuhay sa'yo. Inis na dinukot ko ang perang nakaipit sa garter ng suot kong short oh, ito gusto mo pera sabay hagis ko sa mukha ni Dad. Punyeta!" Ka talaga kahit kailan bastos ka sabay akmang huhugotin ko ang baril na nakasukbit sa tagiliran ngunit may mas naunang umagaw. Tumigil nga kayong mag ama lagi nalang kayo ganyan naluluhang wika ko sa asawa at anak. Ibigay mo Mommy!" At Nang matapos na ang ikinagagalit nya sa'kin kaysa lagi nya nalang isinusombat na wala akong kwentang anak at walang asenso sana ay hindi nyo nalang ako binuhay galit kong bulyaw sa ama. Please!" Anak, tama na na–iiyak kong pagsusumamo kay Albert pumasok ka na. Napakapit ako sa balikat ng asawang pilit na inilalayo sa akin si Albert dahil oras na mahawakan ko ito ay baka mapatay ko pa. Tinaponan ko ng Masamang tingin si Dad, at tulad ng gate namin ay sinipa ko din ang pintoan para mabuksan maging ang pagsara kaya halos mabinge ang tenga ko sa lakas ng kalabog kuyom ang kamao kong pumasok na sa kwarto at nagkulong. Naipikit naming mag asawa ang mata sa bawat kalabog na naririnig sa loob ng bahay at pagkabasag ng mga gamit sa kwarto ni Albert hanggang kailan ba kayong dalawa mag aaway na mag ama at kailan kaya ma–ibabalik yong dating okay naman kayo wika ko sa asawang sapo din ang noo' tulad ko. "Hanggang nabubuhay ako Olivia sagot ko."Oo, kasalanan ko ang nangyari dahil naging pabaya ako noon sa inyong dalawa pero para bastosin nya ako ng ganito at sarili ko pang anak tataponan ako ng pera sa mukha gusto ko lang naman ay matuto na syang mag hanapbuhay dahil magkakaroon din sya ng sarili nyang pamilya iyon ang punto ko. "Hindi ka nagkulang Wilson, bilang ama pero mag usap kayo ng maayos at hindi yong lagi kayong galit pareho walang mananalo sa inyong dalawa kong lagi kayong nag aaway at muntik muna ding mapatay ang anak natin kong hindi ako lumabas agad naluluhang wika ko sa asawa at niyakap ito ng mahigpit. Samantala Victoria!" Anak halika na dito na ang Daddy, mo tulongan muna mag akyat ng paninda natin. "Yes, Mommy!" Sagot ko at nanakbo na palabas mahigpit kong niyakap si Dad, at kinuha ang mga dala nito ako na Dad, kaya na yan ng mussels ko biro ko sa ama na halata ang pagod sa maghapong pagbabantay nito sa pag aari naming grocery dahil hindi kami ni Mommy nakatulong sa kanya ngayong araw dahil day off namin at araw din para maglaba. Mabigat ito anak ako na ang magdadala iyon nalang mga natira ang kunin mo at paki sarado muna din yong gate huh, bilin ko sa anak at iniwan ko na ito. "Yes, Dad. "Lumipas ang mga araw at labanan na kong sino ang mag cha–champion na grupo dahil hindi pa naman nagsisimula ang laro namin tulad ng dating gawain ni Carlo ay muli itong lumapit sa mga nanunuod at nagpaikot–ikot habang ako naman ang nagsilbing taga linis ng kalat nito pera lang ng mga nagiging biktima ni Carlo ang kinukuha ko at itinatapon ko agad ang wallet at perang nakukuha nito. Napalingon ako sa gwapong player ng Brgy. Namin ng mahulog ang wallet nito kaya kahit medyo masikip dahil sa dami ng tao ay nakipag siksikan ako at pinulot ang wallet nitong nahulog at sinundan ko ito para maibalik nahihiyang kinalabit ko ang napakatangkad na player ng malapitan ko na dahil sa hanggang Dibdib lang ako nito kuya yong wallet mo po nahulog tawag pansin ko. Napalingon ako sa narinig na boses at kumakalabit sa akin para lang magulat dahil ang magandang tinitingnan ko nong nakaraan araw ang ngayon ay lumalapit na sa akin hawak ang wallet na wala ng laman at ibinabalik ulit sa akin mabilis kong kinuha at isiniksik sa garter ng suot kong shorts thank you Miss. "Sorry huh, medyo naipit ka pa para maibalik lang ang wallet ko halika gusto mo bang doon umupo alok ko sa nakalaang upoan para sa akin. "W-Welcome Nako kuya hindi na kasama kong manuod yong mga pinsan ko baka hanapin nila ako tanggi ko. Makikita ka naman nila agad sige na please!" Pagsusumamo ko sa Dalagang kaharap sabay hila ko pa sa kamay nito at nakipag siksikan kami sa mga taong nanunuod dahil hindi pa tulad ng ibang plaza na may nakalaang upoan puro nakatayo lang ang mga nanunuod sa gilid ng Court. Wala nakong nagawa kundi ang mapasunod sa lalaking humihila sa akin habang maingat ako nitong inaalalayan na huwag maipit or madikit manlang sa mga lalaking nadaraanan namin hanggang makarating kami sa unahan. Nahihiyang halos ayaw kong umupo sa ibinigay nitong upoan dahil napukos na ang tingin sa akin ng mga kasama nito. Dyan ka lang huh, ano nga pala ang pangalan mo tanong ko sa Dalagang halatang nahihiya pa I'm Albert Cristomo halos pasigaw kong pakilala dahil malakas ang music sa stages ng Court. Victoria Fajardo kuya pasigaw ko ding pakilala at iniabot ko ang kamay kay Albert. "Wow, Nice name wala na sanang kuya mukhang hindi naman nalalayo ang edad nating dalawa sabay abot ko din ng kamay kay Victoria at halos ayaw ko na bitiwan pa ang malambot at maliit nitong palad. Nahihiyang tumango ako at ipinaling sa ibang dereksyon ang mata dahil parang nakakahipnotismo ang titig ni Albert sa akin. "Hm-mm.. tikhim ko at naupo sa upoan ko bago pasimpleng ipinasok ko sa bag ang mga perang nadukot ko sa mga manunuod na ibinalot ko pa sa bimpo. Kaya ka pala nawala pare may distraction iniwan mo ako doon na panay ang hanap buhay nakangiti kong bulong kay Albert. Si Carlo nga pala Victoria kaibigan ko Carlo si Victoria pakilala ko sa dalawa. Nginitian ko lang ang ipinakilala ni Albert at lihim akong napatingin sa pwesto ng mga pinsan ko at mukhang kinikilig ang mga ito na nakatingin din sa akin inagahan namin ang punta para makakuha ng malapit na pwesto. Boyfriend kasi ni Camille ang kalaban nila Albert nagsimula na silang tawagin kaya ako at ang marahil ay Girlfriend din ng ibang player ang naiwan sa upoan at Coach nila na may hawak ng Clipboard at nagmamando sa kanila ng tamang position. Napapahiyaw ako at napapatalon kapag nakaka three points si Albert at Carlo tulad ng mga nakabangko pang ka team nila. Nakikita ko Kong paano ko napapasaya si Victoria sa bawat ma–ishoot kong bola kaya mas lalo akong naging inspired maglaro. Dinampot ko ang towel ni Albert na nakasampay sa likoran ng inuuopan ko ng makita kong palapit na ito at agad tumayo para makaupo ito habol nito ang hininga. Thank you, hapong pasasalamat ko kay Victoria. W-Welcome tubig oh, abot ko ng bottled watter na dala ko ang galing nyo ang layo ng lamang mukhang kayo na ang mag cha–champion. Syempre ginalingan ng kaibigan ko ngayon halos sya lahat ang may malaking puntos iba talaga ang inspired Saba't ko. Nahihiyang nag iwas ako ng tingin dahil sa biro ni Carlo at muling naupo ng tumayo na si Albert. Muli ay napalundag ako sa subrang saya ng matapos ang fourth quarter at lamang sila sa kabilang kuponan ng twenty points at nag champions nga sila Albert. Wala sa loob na nayakap ko si Victoria ng mahigpit. Congratulations!" Nakangiti kong bulong kay Albert habang nakakulong sa bisig nito. You're my lucky charm, bulong ko din kay Victoria at binitiwan ko na ito at ginulo ang mahaba at tuwid nitong buhok salamat huh, sinamahan mo ako hanggang dulo. Psssstt!" Baka gusto muna umuwi sutsot ko sa pinsan na subrang saya pa din kahit tapos na ang laro at nasa pwesto pa din ng ka– Brgy. Namin kanina pa namin ito hinihintay bumalik sa pwesto namin ni Jamila ngunit tila nakalimotan na kami. Nahihiyang napalingon ako kina Camille sorry, wait lang magpapaalam lang ako kay Albert sagot ko sa pinsan at nagtungo ako sa grupo nila Albert na nag pipicture taking pa. Uuwi na kami paalam ko ng makalapit. Ihahatid na kita sandali lang sabay takbo ko sa upoan kong saan nakalagay ang bag ko at seninyasan ko nalang si Carlo. Nahihiyang nakagat ko nalang ang ibabang labi dahil tila wala akong choice tumanggi kay Albert. Mukhang magkaka Boyfriend na ang pinsan ko huh, ang tanong pasado kaya kay tito Vincent yan balita ko basagolero yan bulong ko kay Victoria. "Ikaw naman minsan lang sumaya ang pinsan natin Pinipigilan muna agad palibhasa balak mo yatang tumandang Dalaga din sya tulad mo." bakit si Froiland pasado naman kay Papa Saba't ko kay Jamila na kontrabida lagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD