Chapter 46 "Samantala patamad kong ibinagsak sa malambot na sopa ang hapo kong katawan dahil sa maghapon kaming tumambay sa golf course maski ang mga dala kong gamit ay ganon din patamad kong ibinaba sa tabi ng inuupoan kong sopa. Itinaas ko ang dalawang binti bago ko tinawag si Pochi na madalas ko nang naiiwan patakbong lumapit ito sa akin."Hello nagtatampo ka na ba I'm sorry huh, busy lang ako ngayon tila taong kausap ko sabay halik at mahigpit itong niyakap. Halik at kahol lang ang sagot nito ngunit tila nakakaunawa sa sinabi ko hinayaan kong mahiga ito sa kandungan ko at para makabawi ako sa aso ko tulad ng dati naming bunding ay binuksan ko ang TV. Ngunit napabangon ako mula sa pagkakasandal na pagkakaupo dahil sa bumungad na balita."Isang sasakyang nasunog sa parking ng sabunga

