Chapter 5

1735 Words
Kinabukasan nang magising ako dahil sa sinag ng araw na siyang tumatama sa mukha ko. Mainit iyon at nanunuot sa balat ko. Ganoon pa man ay marahan akong nagdilat at mabilis ding pumikit nang mabungaran ko ang masakit sa matang sinag nito. Nanggagaling iyon sa malaking glass window na nasa loob ng kwarto. Hindi ko kasi naisara kagabi ang kurtina no'n dahil nawili ako katitingin ng tanawin sa baba. Tunay nga na maganda ang nasabing lugar. Wala akong maipintas. Wala rin akong makuhang dahilan para ibalik ang pag-ayaw ko na huwag tumuloy dito. Hindi ko na makita iyong rason ko kung bakit tinalikuran ko noon ang offer ni Mama na magtrabaho sa Rampage Society. It's all gone now. Ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay tuwa't pagkagalak. Kaagad akong tumayo dahil para akong nilulusaw sa init at madaliang tinungo ang malaking bintana. Kahit nasa second floor ay kita ko pa rin mula rito ang malawak na karagatan na nakapaligid sa islang ito. Ang buong tanawin na hindi ko pagsasawaang pagmasdan hanggang maghating gabi at dahil doon ay napangiti ako. Hindi na ako makapaghintay na gumala rito. Well obviously, mag-e-enjoy na lang ako habang ginagawa ang mission ko. Kung may pangamba man siguro ang puso ko ay hindi ko na muna iyon iisipin. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang pinto nang marinig kong tumunog iyon, hudyat na may tao sa labas. Nang mabuksan ay bumalandra sa paningin ko ang isang babaeng naka-uniform at sa tingin ko ay empleyado rito. "Hello! Good morning," pormal na bati nito sa akin at saka ako pa nginitian ng ubod ng tamis. "Yes? What do you want?" blanko ang mukhang sambit ko rito habang nananatiling pinagmamasdan ang kabuuan niya. I actually don't want to be rude, pero ganito na kasi ako noon. Walang emosyon ang mukha at bihira lang makisalamuha sa ibang tao. Ito na iyong isinabuhay kong ugali simula noong mapadpad ako sa organisasyong kinabibilangan ko. Hindi na ako ang batang Reece noon na bubbly, mahilig makipag-usap sa mga babaeng kakilala. Noon ay takot sa lalaki, but look at me now— talaga nga namang walang permanente sa mundo. People change, so do I. "My name is Claire at your service, Madame. Ipinadala ako rito to give you this," aniya at saka may iniabot sa aking isang white envelope. Mabilis ko iyong tinanggap at binuksan. Doon ko nakitang schedule ko iyon sa IT Department at ngayong alas otso ang simula ng pasok ko. Marahan akong tumango nang matanto kong inasikaso na pala ni Papa kahapon ang mga ito bago siya umalis. Napatingin ako sa wrist watch ko— it's already six o'clock in the morning. Kung hindi pa tumapat ang araw sa mukha ko ay hindi pa ako magigising. Dala na rin siguro ng pinagsamang jetlag at ginhawa sa paligid kung kaya ay napasarap ang tulog ko. "Thank you..." saad ko at tipid na ngumiti rito. "Mag-aayos na ako." "If you have any question or inquiries, tumawag ka na lamang sa information desk," magiliw niyang pahayag bago marahang yumuko bilang pagbibigay galang. "See you around and have a nice day!" She waved goodbye before I shut the door closed. Napabuntong hininga ako, maagap akong nagtungo sa kusina upang tingnan kung ano bang pwede kong makain ngayon. Nang makita ang isang tray ng itlog sa ref ay iyon ang pinagdiskitahan ko, naglaga lang ako ng dalawa at nagpasyang maligo na lang muna sa banyo na naroon sa loob ng kwarto. Mainit ang daloy ng tubig ngunit nanunuot sa kalamnan ko ang lamig dahil sa kakaibang pakiramdam na parang kinakabahan ako na ewan. Simula pa lang kahapon nang makarating kami rito ay hindi na maitatago ang nararamdaman ko. Ito yata marahil ang nararamdam kong pangamba. Hindi ko lang mapangalan kung ano ito. Hindi ko rin mawari kung excitement ba 'to, o literal na takot sa bagay na hindi ko matukoy. Ngunit sadyang mas matimbang iyong pagiging excited ko para sa lugar kaya kibit na lamang ang balikat ko. Tinapos ko na ang pagligo ko at mabilis ding lumabas ng banyo. Tinungo ko ang maleta at nakitang kaunti lang pala ang nadala kong damit, karamihan pa rito ay purong formal blouse at dresses. Since ito ang unang araw ko sa pagpasok ay kinuha ko ang isang white formal blouse na may pulang ribbon sa kwelyo. Nagsuot lang din ako ng black pencil skirt at three inches stilleto. Nang matapos sa pag-aayos sa sarili ay hinarap ko ang salaming may kalakihan na nakadikit sa pader ng kwarto ko. Wala sa sariling hinawi ko ang buhok kong umabot sa dibdib ko at bahagyang kinulot ang mga dulo. I put a light make up, I just want to look simple at hindi ganoong napapansin ng mga tao. I hate attentions really bad. Muli ay naging kibit ang balikat ko bago tumalikod at kinuha sa center table ang hand bag ko. Deretso akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina, sandali akong naglagi roon upang ubusin ang pagkain. Ilang minuto lang nang matapos ako, isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago binuksan ang pinto at lumabas ng unit. Taas ang noo kong nilakad ang kahabaan ng hallway na iyon hanggang sa makarating ako sa baba. "Nasaan ang IT Deparment?" tanong ko sa babaeng receptionist at nagulat naman ito sa biglaang presensya ko. Hindi ko kasi natanong kanina kay Claire kung saan ba banda rito iyong IT Department, dumeretso na sana ako roon. Sa laki ba naman kasi nitong building na ito ay malabong mahanap ko kaagad iyon. At mahalaga ang oras ko ngayon. Tangkang sasagutin na ako ng babae nang mapalingon ito sa likuran ko at masayang ngumiti, labas pa ang gilagid na siyang ikinangiwi ko. "Good morning, Sir!" anang receptionist sa taong nasa likuran ko. "Morning," baritonong sagot ng boses lalaki sa simpleng tugon at hindi ko na nagawang lingunin dahil tumalikod na ito. "Miss?" sambit ko sa babae na ngayon ay sinusundan pa ng tingin ang pigura ng papalayong lalaki na iyon. Tch. Look at her, drooling over him. Halatang-halata naman masyado ang pagkagusto ng babaeng 'to sa lalaki. Hindi ko na naiwasang mapairap sa ere at nagtiim ng bagang, tina-tap ko pa ang mga daliri sa marbled counter top hudyat nang pagkainip ko dahilan para magbaba siya ng tingin. Doon pa lang yata niya namalayang kanina pa ako naghihintay ng sagot nito. "Ay, sorry, ma'am. Oo nga pala... ayun! Sundan niyo po si Sir at patungong IT Department siya, he's one of the head IT specialist—" Whatever. Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil tinalikuran ko na ito at naiinis ako. Mabilis kong sinundan ang lalaking tinutukoy niya. He's wearing a black tuxedo. Tama nga siguro na siya ang head ng IT Department. Might as well makisipsip ako sa kaniya— kidding aside. Malalaki ang hakbang nito kaya naman ay halos habulin ko na siya lalo na nang pumasok ito sa elevator. "Sandali!" sigaw ko at patakbong lumapit doon at iniharang ang isang kamay ko sa papasaradong pintuan ng elevator. Kusa namang bumukas iyon at unti-unting naging visible sa paningin ko ang lalaking naroon sa loob. At parang kidlat na nagwala ang puso ko dahil sa nakita— it's him. Oh, my God. Oh, my fvcking goodness! It's Adam y'all! Adam Benneth Cooper. How can I forget his fvcking name and his handsome face when every damn time I close my eyes, siya ang palagi kong naiisip? It's him, my ultimate nightmare. Ang nakikita kong Adam ngayon ay malayong-malayo na sa lalaking una kong nakilala noon. Alam kong gwapo na siya dati, but he's now ten times more handsome than before. Napalunok ako sa sariling laway at tila napako na sa kinatatayuan kung kaya ay unti-unti nang nagsasarado muli ang elevator ngunit mabilis niya iyong pinigilan. Mas lalo pang nagulantang ang mundo ko nang lumabas ito mula sa loob at tila slow-motion ang naging paglapit niya sa akin at saka pa niya hinatak ang braso ko na siyang rason para bumagsak ako sa katawan nito. "God! It's you... Reece," bulong nito sa tainga ko dahil yakap-yakap na niya ako ngayon. Napakurap-kurap ako at hindi na maipaliwanag ang nangyayari sa paligid, namalayan ko na lang nang hilain ako nito papasok sa elevator hanggang sa magsarado iyon at kami lang ang tao roon. "You don't know how I fvcking miss you," dagdag niya na mas lalong nagpagunaw sa mundo ko. "It's you..." Kumibot ang labi ko, tila may gustong ilabas na saloobin ngunit nagdaan ang ilang segundo ay nananatili akong tahimik. Nakasandal lang ang ulo ko sa kaniyang balikat habang ramdam ko ang gaspang ng kamay nitong nakayapos sa baywang ko. Mariin akong pumikit nang mas lumakas ang pintig ng puso ko nang maramdaman ang init ng katawan nito, dumaloy pa iyon paangat sa pisngi ko dahilan para mamula ako. Doon lang ako natauhan at malakas siyang naitulak na siyang labis niyang ikinagulat. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko ito habang maang naman siyang nakatingin sa akin, nakaawang ang labi niya na pinagmamasdan ang mukha ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Tumikhim ako at saka bahagyang umatras para bigyan ng espasyo ang pagitan naming dalawa dahil hindi na ako makahinga. Hindi na ako makalagaw. Masyado akong nagulat. Masyado ring apektado ang puso ko at kung bakit ganito na lamang ito mag-react. Uminit din ang pakiramdam. Hindi ko alam kung dahil ba sa mainit niyang pagtanggap sa akin o dahil literal na mainit sa loob ng elevator. O talagang nag-iinit lang ako sa mababaw na rason? All right, I'm fvcked up. "A—Adam..." Nanginig ang boses ko nang banggitin ko ang pangalan nito. Kita ko naman ang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi, tila ba nasiyahan sa narinig. "So, kilala mo pa rin ako hanggang ngayon," nakangiting turan nito at binasa pa ang kaniyang nanunuyong labi. "I'm glad na nagkaroon pa ako ng puwang sa memorya mo. Well, it's been almost five years." Yeah, five years. Pero bakit wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko? Ni katiting ay hindi man lang lumihis ang pagkagusto ko sa kaniya. Tumango lamang ako at hinarap ang pinto ng elevator nang bumukas iyon, iniluwa kami sa 6th floor kung saan halos malula ako sa sobrang lawak no'n. "I'm glad you're here, ang tagal kitang hinintay," pahayag nito na hindi ko na masyadong narinig dahil nauna na akong lumabas. I need to calm down. I needed some fresh air.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD