"But don't worry, hindi kay Adam," tumatawang pahayag ni Lauren, kasabay nang pagngiti ng batang si Jaxon. Nakita siguro niya ang pagkakagulantang ko na halos matulala na lang ako sa mukha nitong nasa screen at dahil sa narinig ay muli na naman akong nakahinga nang maluwag, para lang akong nabunutan ng tinik. Oo nga pala, saka ko naalala na bago ako umalis ng isla ay nagdadalang tao na si Lauren sa sinasabi nitong lalaki. Hindi ko nga lang alam kung sino ang lalaking iyon. Kung ganoon, sila ba ang nagkatuluyan? Pinanagutan ba siya? "Ga—ganoon ba?" Nanginig ang boses ko ngunit hindi na nakatakas pa ang pagsilay ng isang ngiti sa labi ko, tanda na sobra akong natuwa. "Yup, it's a long story. Kukwento ko na lang sa 'yo kapag nakabalik ka na rito." Ngumiti ito— iyong sincere na ngiti kung

