Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkatitigan ni Adam, tila pa nag-slow motion ang paligid at siya na lang itong nakikita ko sa kabila ng mga taong nagdaraan. Ang dalawang mata nito na parang ano mang oras ay babagsak na ang pinipigilan emosyon at hindi ko malaman na sa kabila nang pagkagalit ko rito ay mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya. At aaminin ko, nami-miss ko na siya. "Reece..." pagtawag nito sa akin dahilan para sumilay ang ngiti sa labi ko. How I miss this man so bad, gusto kong tumakbo palapit sa kaniya at yakapin ito nang mahigpit, pero malaki ang pagpipigil ko sa sarili. "Adam, bakit nandito ka? Nasaan si Lauren?" casual kong tanong habang umaaktong normal, kahit pa ang nalulunod na ako sa sariling mga emosyon. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito. He'

