Nawala ang ngisi ko nang malampasan ito at nagmamadaling lumabas ng Clubhouse.
"Love!" Dinig kong sigaw nito habang unti-unting papalapit ang kaniyang mga yabag.
Wala na akong naging imik nang sabayan ako nito sa paglalakad at walang pasabing hinawakan ang kamay ko, rason para mag-angat ako ng tingin dito.
"Masyado kang natutuwa na hawakan ang kamay ko, ano?" sambit ko at itinaas pa ang isang kilay.
"Yeah, it's soft and tender... like your lips," aniya at masuyong hinalikan ang likod ng kamay ko.
Nagulat man ay pinanatili kong blanko lang ang mukha kong tinititigan siya ngunit alam kong grabe nang magwala ang mga paru-paro sa tiyan ko. Kung ganito siya sa loob ng six months na pananatili ko rito, dapat ko na bang sanayin ang sarili sa mga ganitong galawan niya? Nang mapansin nito ang paninitig ko sa kaniya ay ngumiti ito, isang ngiti na hindi maitatagong napakasaya niya.
Kunot ang noo kong nag-iwas ng tingin at itinuon na lang ang atensyon sa nilalakaran. Siguro nga... hindi na talaga ako masasanay sa presensya niya. He's too much for me. Bumuntong hininga ako, kapagkuwan ay hinayaan ko lang itong nakasunod sa akin habang ako naman ay hindi na alam ang patutunguhan pa. Nawala na sa utak ko iyong pamimili ko sana ng mga damit ko.
"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko nang mapansing papalabas kami ng building.
"Hmm, I'll take you somewhere," bulong nito, saka pa inihilig ang kaniyang katawan sa akin.
Napapitlag ako sa ginagawa nito at walang anu-ano ay sinapak ito sa kaniyang braso dahilan nang malakas niyang pagtawa. Paano at idinikit nito ang kaniyang nakahubong katawan, ni hindi man lang mag-abalang magsuot ng kahit sando man lang. Tuloy ay pinagtitinginan siya ng ilang kababaihang nakakasalamuha namin sa daan. Ang iba pa ay bulgaran kung tumitig sa katawan niya, kulang na lang ay dambahin nila itong si Adam na mukhang wala namang pakialam. O baka nasanay na siya sa apat na taon niyang pananatili rito?
"Ilang beses ko bang sasabihing lumayo-layo ka sa akin?" giit ko rito habang nanlilisik ang mata.
Nakakainis kasi, kada lapit niya ay siya namang paglakas ng t***k ng puso ko. Nakakatakot lang na baka siya pa ang maging sanhi ng heart attack ko.
"How? You were my oxygen that I needed to breathe," aniya at ngumiti nang nakakaloko, tila isang demonyo na may masamang binabalak.
Sandali pa itong huminto sa may dalampasigan upang panoorin ang reaksyon ko na hindi ko namalayang nakanganga na pala ako sa harapan niya. All right. He got me there. At bakit ako kinikilig? f**k.
"You're blushing..." pagpuna nito na siyang nagpatawa pa sa kaniya.
"You're making fun of me, how dare you!" sigaw ko rito at tangkang sasapakin ulit sana ito nang kumalas siya sa akin.
Mabilis itong tumakbo palayo sa kinatatayuan ko na kaagad ko ring hinabol. Bahala na— bahala na kung magmukhang bata, pero kailangan ko lang talagang masapak ang lalaking iyon. Nakakainis ang mga kabaliwang ginagawa niya sa akin. Nakalayo na ito sa akin habang ako naman ay nahihirapan sa suot kong tsinelas, puro buhangin na kasi itong nilalakaran namin.
Samantalang siya ay nakayapak lang kung kaya ay malayo na ang narating nito. Yumuko ako nang tanggalin ko ang tsinelas, saka inabot iyon at mahigpit na hinawakan. Nang makatayo ay siya namang bato ng bola sa kinaroroonan ko dahilan para matigilan ulit ako. Utang na loob naman— kapag ka malas ka talaga, ano?
Kasunod nito ay ang sigawan sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, kaya nilingon ko sila. Grupo ito ng mga lalaki na naglalaro ng volleyball habang may ilang kababaihang nag-chi-cheer sa kanila. Huminga ako nang malalim at wala sa sariling inabot ang bola. Hindi na ako naglakad papunta sa kanila upang ibigay sana iyon dahil may tumakbo na palapit sa akin.
"Thank you, Miss." Ngumiti iyong malaki, kaya bulgar na nagpakita ang dalawang dimple nito.
Tumaas ang kilay ko. Naisip ko lang, lahat ba ng narito sa Isla ay purong magaganda at gwapo? Mahina akong natawa sa sarili na hindi ko na namalayang hindi pa pala umaalis iyong lalaki sa harapan ko at nakatitig lang sa mukha ko.
"You're welcome, pero sana next time ay lakasan niyo pa," pahayag ko at pekeng ngumiti bilang ganti sa masaya niyang mukha.
Natawa ito, kasabay nang pagkamot nito sa kaniyang batok tanda nang kahihiyahan niya. "Sorry, bigla ka kasing dumaan."
Sa sinabi niya ay napairap ako. "Whatever."
"So, bago ka rito? Ngayon lang kita nakita," wika niya na tila ang bilis humanap ng oras para makasegwey at hindi na ako magalit pa.
"Hindi, three weeks na yata?" alanganing sambit ko na siyang nagpatawa sa kaniya.
"Matagal na pala, pero ngayon lang kita nakita and by the way... my name is Ash," saad nito at inilahad pa ang kaniyang kanang kamay.
"Ricci," maikling pagpapakilala ko at tangkang tatanggapin ang kamay nito nang may humila sa braso ko dahilan para mapaatras ako.
"Back off, Asher," matigas at madiing pahayag ni Adam na hindi ko namalayang nakalapit na.
Teka, magkakilala ba sila? Mabilis kong binalingan si Adam at nakita ko kung gaano kaseryoso ang mukha nitong nakatitig kay Ash o Asher, samantalang nakangisi naman si Ash na pinagmamasdan ito. Kahit hindi magsalita ang dalawa ay ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Bago pa man magkagulo ay may isang lalaki na ang lumapit sa gawi namin.
"Hey, Ash, ang tagal mo. Let's go!" aniya at hinawakan ito sa balikat na hindi man lang niya pinansin.
Pagak na natawa si Asher at nailing-iling. Isang beses pa ako nitong tinapunan ng tingin bago tuluyang tumalikod, kasabay ng lalaking kasamahan niya sa volleyball. Naiwan kami roon ni Adam na pinagmamasdan ang papalayo nilang pigura. I don't know how to feel right now, kung tama bang magsalita ako gayong nararamdaman ko pa rin ang tensyonadong katawan ni Adam.
Mahigpit pa rin kasi ang hawak nito sa braso ko na natitiyak kong namumula na ngayon, rason para magbaba ako ng tingin doon. Nang mapansin siguro nitong nakatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa akin ay nahimasmasan siya. Dahan-dahan nitong pinakawalan ang braso ko. Doon ay naging visible sa paningin ko ang pamumula ng braso ko, bakat pa roon ang mga daliri nito kung kaya ay hinawakan ko ito at masuyong hinimas.
"Kailangan ba... lahat ng lalaking makakasalamuha mo ay bibigyan mo ng atensyon?" paos na sambit ni Adam, tila boses nagsusumamo sa pandinig ko.
Mabilis ko itong binalingan at taas ang kilay na napangiwi. "Anong pinagsasabi mo?"
Natural lang naman iyong nangyari kanina. Isa pa, anong masama 'di ba?
"Kanina sa Clubhouse, nakausap mo lang iyong lalaki, may pagyakap pang naganap. Ngayon, si Asher—
"Teka lang, ah?" pagpuputol ko rito dahilan para matigilan siya.
Hinarap ko na ito at humalukipkip na pinagmamasdan ang mukha niya, nakaigting ang panga nitong nakatitig sa akin habang hindi na yata maipinta ang mukha niya. Ano bang pinoproblema nito? So, kanina pa siya sa Clubhouse? Wala sa sariling natawa ako. Pati ba naman si Cloud na pinsan ko at walang malay ay idadamay niya?
"Nagseselos ka ba?" taas-noo kong pagtatanong.
No boyfriend since birth ang naging ganap ko sa buhay, pero alam ko ang mga galawan ng isang lalaki. I know obviously, nagseselos nga ang isang 'to, pero wala naman sa lugar.
"Kailangan pa bang sabihing nagseselos ako para lumayo ka sa mga lalaki?" balik tanong niya na siyang lalong nagpakunot ng noo ko.
"Excuse me lang, ah? Para sabihin ko sa 'yo ay wala kang karapatang magselos. What are we? You're not even my boyfriend—"
"Then, let us be," pukaw nito sa atensyon ko na naging sanhi nang muling pagkakatanga ko sa harapan niya.
What the f**k? Sa sinabi nito ay biglang nag-init ang pisngi ko, para akong naputulan ng dila dahil hindi na ako nakaimik pa. Sunod na lang nitong ginawa ay ang muling pag-angkin niya sa nakaawang kong labi, para akong lumutang sa ere nang hawakan nito ang magkabilaan kong baywang dahilan nang pagkakabitaw ko sa tsinelas na hawak ko.
"A—Adam..." naghihingalo kong sambit nang sandali itong humiwalay sa akin.
Ngunit hindi rin niya ako hinayaang lumanghap ng hangin dahil walang pasabi ako nitong binuhat. Halos malagutan ako ng hininga nang ipaghiwalay nito ang binti ko upang iyakap sa baywang niya. Holy f**k! Gusto kong sumigaw at magwala ngunit pinangunahan ako ng panghihina, lalo pa't ramdam ko ang galit nito sa nag-uumigting niyang p*********i. Halos mawala ako sa ulirat at mariing napapikit na lamang nang mag-umpisa itong maglakad habang walang kahirap-hirap niya akong buhat sa kaniyang bisig.
"I want to take you somewhere else," bulong nito sa tainga ko.
Imbes na kilabutan ako ay mas nangibabaw pa ang excitement sa nalalanta kong katawang lupa na matagal ding natutulog. At kung saan man niya ako dadalhin ay wala na akong pakialam.