Kinagabihan nang mag-anyaya si Adam sa Cabin-type Resto, kung saan mas kilala bilang chill area ng buong Rampage Island at hindi nga maipag-aakilang nakaka-relax doon. Katapat kasi nito ay ang dalampasigan, since open place ang nasabing lugar.
Halos damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin. Suot ko pa naman ay black spaghetti sando na pinaresan ko lang ulit ng maong short at flipflops. Samantalang si Adam naman ay nakasuot ng summer shirt at khaki short.
"You like the view?" kapagkuwan ay tanong ni Adam na binabasag ang namumuong katahimikan sa paligid.
Napabuntong hininga ako, bago tumango at tipid na ngumiti.
"Very much," sagot ko habang pinaglalaruan sa kamay ang basong wala ng laman.
Nasa bandang unahan kami ng resto kung saan mas malaya naming nakikita ang agos at alon ng isla, kita iyon mula rito dahil sa mga lumulutang na palamuting ilaw. Sa lahat nang napuntahan kong isla ay isa ito sa mga masasabi kong number one tourist spot kung sakali.
Iyon nga lang ay sekluded ang lugar at exlusive for all Rampage Society shareholders at VIP's ang isla. Isa pa, hindi ito pwedeng i-open in public because we all know that Rampage Society is illegal with so many f*cking businessman na purong pera lang yata ang laman ng utak.
"So, ahm, magtatagal ka rin naman siguro rito 'di ba?" pagtatanong ni Adam, kaya nilingon ko na ito.
Kanina ko pa napapansin ang mainit nitong paninitig sa akin at ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin siya. Paano kasi at masyadong napaka-bulgar naman nitong si Adam.
Walang pinipiling lugar at hindi ko na nga halos mabilang kung ilang beses kaming naghalikan ngayong araw. Bumuga ako sa hangin at isinandal ang likod sa kinauupuan, bahagya akong ngumiwi.
"Hindi ko pa alam," pahayag ko habang pilit na itinatago ang katotohanan.
"May shares ang mama mo rito at ikaw ang in-charge doon, hindi ba?"
Mabilis akong tumango rito. "Oo, pero hindi ito ang gusto ko, Adam."
"So, bakit ka nandito?" kaagad niyang segunda na para bang isang pulis na nag-i-interrogate ng isang suspek.
Pagak akong natawa kahit wala namang nakatatawa, gusto ko lang pagtakpan ang totoong nararamdaman for f*ck's sake dahil hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko. Gusto ko na lamang yata na magpakain sa lupa para matapos na itong kalbaryo ko sa harapan ni Adam.
"Dahil wala akong choice?" Tinaas ko pa ang kilay ko, animo'y inuudyo ito.
Ngunit umangat lamang ang isang sulok ng labi nito habang hindi ako pinapakawalan nang mainit niyang pagtitig. As if may mahihita siyang impormasyon sa akin.
Kahit gaano ko pa kagusto itong si Adam, hindi ako bibigay at isusuko na lang basta ang sinumpaang trabaho. Kagaya nga ng sabi niya; I am more than this— at iyon ay dahil hindi ako ganoon kadaling masuhulan, o ano pa man.
ButI know, pagdating sa pag-ibig ko rito ay aaminin kong marupok ako. Mahina ang puso ko kapag siya na ang pinag-uusapan. Akala ko nga noon ay hindi ko na siya makikita, pero kung sabagay, maliit lang ang mundo para sa aming dalawa.
"Iyong kapatid ko sana ang pwedeng kapalit ko rito, pero katulad ko ay may pangarap din 'yon. Gusto nitong sundan ang yapak ni papa, kaya ibang industriya ang tinatahak niya ngayon," mahabang paliwanag ko habang pinagmamasdan ang mukha nito.
Kita ko pa ang pagtaas-baba ng kaniyang adams apple at ang paglikot ng dalawang mata nito na para bang may mali akong nasabi dahilan nang pagkunot ng noo ko.
"Yeah..." mahinang sambit niya, sapat lang para marinig ko.
Sandali itong tumahimik at itinuon ang atensyon sa dagat, ako naman ay nananatiling pinapanood ang bawat pagdaan ng emosyon nito sa mukha. Lumamlam ang mata ni Adam habang ang labi ay kinakagat-kagat.
In psychological study, it's a sign na nakararamdam ng stress, tension, or boredom ang tao. So, probably, baka tensyonado itong si Adam. Sa anong dahilan ay hindi ko alam.
Natigil lang ako sa malalim na pag-iisip nang hawakan ni Adam ang kamay kong naroon nakapatong sa wooden table, marahan niya iyong pinisil at ngumiti.
"May tiwala ako sa 'yo, Reece," out of nowhere ay nasabi niya iyon, kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
Dahil doon ay natanto ko ring alam na nga nito ang pakay ko sa Rampage Society. Matagal na niyang alam ang balak ko ngunit dahil mas gusto nitong makasama ako ay nananatili siyang tahimik.
Lumipas ang ilang araw, sa sobrang pag-e-enjoy na kasama si Adam ay hindi ko na namalayang nakatatlong buwan na pala ako sa Isla. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin kami ni Adam, we do what couples do, pero 'til now ay hindi ko pa rin alam kung anong mayroon kami.
I just go with the flow at hinahayaan ko rin kasi itong makapag-move on muna sa ex-girlfriend niya. Mali man tingnan para sa iba ay katulad ni Adam, ito lang ang alam kong paraan na sa tingin ko ay tama.
Abala ako sa paggawa ng report ko nang dumating si Adam sa unit ko, kaya naman ay mabilis pa sa alas kwatrong itinago ko ang lahat ng may kinalaman sa mission ko.
Ngiting-ngiti kong binuksan ang pintuan at tumambad sa mukha ko ang gwapong si Adam, nakaayos ito at pormal na pormal ang datingan sa kaniyang black tuxedo and black shoes.
"Anong mayroon?" tanong ko, saka pa bumaba ang tingin sa hawak nitong malaking box.
"Can I come in?" aniya dahilan para matawa ako.
"Yeah, yeah, come in."
Mas niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan at nauna na ring naglakad patungo sa sala. Sumunod naman ito at inilapag sa center table ang dala-dala nitong box, kaya roon tumuon ang atensyon ko.
"Wear this, pupunta tayo ng Casino to have some fun," pahayag nito na siyang nagpakunot ng noo ko.
Aapila pa sana ako nang marahan akong nitong pinatalikod at tinulak papasok ng kwarto ko.
"Maligo ka na at mag-ayos, maghihintay ako rito."
Wala na akong nagawa at sinunod na lamang ang gusto niya. Ayaw ko man ay inisip ko na lang din na ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapapasok ako ng Casino. Mas marami akong impormasyong makukuha, roon naglalagi ang ilang mga VIP na posibleng isa sa may connection sa kabuuan ng Rampage Society.
Matapos maligo ay kaagad din akong lumabas ng banyo, nakita ko ang box na dala kanina ni Adam na naroon na sa ibabaw ng kama ko, kaya nilapitan ko iyon at binuksan. Tumambad sa paningin ko ang black long dress na may v-cut sa gitnang bahagi mula sa dibdib, samantalang may slit naman sa kanang hita.
Nag-ayos lang ako ng mukha at pinatuyo ang buhok gamit ang blower, saka ko iyon sinuot na tamang-tama lang sa katawan ko. Naisip ko tuloy kung kabisado na ba ni Adam ang size ng katawan ko.NMula sa box ay kinuha ko ang isang pares ng sling back heels na kaagad ko ring sinuot.
Sa kaka-attend ko ng ilang party for mission noon sa Black Hawk Dragon Organization ay nasanay na lang ako sa pagsusuot ng mga daring na dress at nagtataasang heels. Matapos pasadahan ng tingin ang kabuuan sa isang whole body mirror ay lumabas na ako ng kwarto.
Naabutan ko si Adam sa sala na nakaupo sa pang-isahang sofa at nang makita ako ay mabilis itong tumayo. Nakita ko ang pag-igting ng panga nito, bumakas pa sa parehong mata ang pagkamangha habang pinagmamasdan akong lumalapit sa kaniya.
"Shall we go?" sambit ko, saka pa hinawakan ang baba nito at bahagyang itinaas iyon dahilan nang pagkakatikom ng bibig niya.
Baka kasi pasukan ng langaw ang nakaawang nitong bibig. Sa naisip ay umalpas ang mahinang pagtawa ko.
"You look sexy with that elegant dress," pahayag nito na natutulala pa rin sa akin.
"I know, and you're hot as hell, Adam."
Sa sinabi kong iyon ay literal na umawang ang labi nito dahilan nang malakas kong pagtawa.
"Can I kiss you?" saad nito at sumilay pa ang ngising aso sa kaniyang labi.
"D*mn you, Adam. Huwag ngayong naka-lipstick ako!"
Tangkang hahawakan ako nito nang lumayo ako at mabilis na naglakad patungong pinto habang dinig ko naman ang mala-demonyo niyang pagtawa— siraulo talaga.