"Adam, ano ba?" singhal ko rito habang hindi matigil-tigil sa pagsapak sa likuran nitong napakatigas, animo'y isang pader.
Ngunit hindi siya natitinag kahit anong pananakit ang gawin ko rito at deretso lamang ang lakad nito na parang hindi niya ako buhat-buhat na parang sako ng bigas. Nakalabas na kami sa Casino Royale.
Ngayon nga ay naglalakad na ito sa gilid ng dalampasigan at sa tagal nang pagkakabaliktad ng ulo ko ay umakyat na lahat ng dugo roon dahilan para mas lalo akong magalit at magdilim ang paningin ko.
"F*ck you, Adam! Just let me go, you f*cking assh*le!" sugaw ko sa abot na makakaya dahil masyado nang naiipit ang tiyan ko sa balikat nito.
Hirap na rin akong makahinga na pati ang malakas na pagtibok ng puso ko ay kakawala na sa dibdib ko ano mang oras. Sa sigaw ko pang iyon ay wala nang sabi-sabing ibinaba nga ako nito at tila siya pa itong galit nang bitawan niya ako, kaya walang anu-ano'y natumba ako sa buhanginan.
"D*mn you! I so f*cking hate you to death, Adam!" bulyawko pa rito na hindi siya nililingon.
"Sabi mo ay ibaba kita. Oh, ayan na, bakit ka nagagalit?" maang na sambit niya dahilan para mas lalo akong mamula sa galit.
"F*ck you," matigas kong sambit.
Damang-dama ko ang init ng ulo ko, para na iyong bulkan na malapit nang sumabog. Kalaunan nang mapatingin ako sa heels kong nakabaon sa buhanginan at nakitang sira na iyong manipis nitong strap dahil sa pagkakabagsak ko kanina.
Kasalanan lahat 'to ni Adam at Windy na 'yon. Nakakaasar! Nakakabwisit silang dalawa.
"Let's go." Rinig kong saad ni Adam, saka pa inilahad sa harapan ko ang isa niyang kamay.
Nag-angat ako ng tingin dito at hindi makapaniwalang tinitigan ito. Nang-aasar ba talaga siya? Pagak akong natawa sa kawalan. Tanging pag-irap lang ang iginawad ko rito at hindi pinansin ang kamay niya.
Bagkus ay marahas kong tinanggal ang dalawang heels ko at nanggigigil na pinagtatapon iyon sa dagat. Sa ginawa ko ay narinig ko pa ang mahinang pagmumura ni Adam sa gilid ko.
"The hell! What did you do? Alam mo bang bawal magkalat dito?" malakas nitong sigaw ngunit hindi ako nagpatinag.
Dahan-dahan ay tumayo ako sa sariling pagsisikap at pinagpagan ang magkabilaan kong kamay. Hindi nagtagal nang lingunin ko ito at muling natawa na akala mo ay isang takas sa mental hospital.
"Bakit? Illegal naman ang lugar na 'to, ah?" pang-uudyo ko habang nakangisi.
"What?" gulat pa niyang bulalas na nagpatawa ulit sa akin.
Wala na akong pakialam kung mabisto ako dahil alam ko namang pinaglalaruan lang ako nitong si Adam. Matagal na niyang alam, masyado lang itong natutuwa na ginagawa akong tanga.
"Lahat ng narito ay pawang illegal, hindi niyo ba alam na mas bawal itong ginagawa ninyo?"
"The f*ck is wrong with your mouth?" mariing sambit niya at ramdam na ramdam ko roon ang galit.
Bakit? Kumpara sa akin, mas kakampihan pa ba niya ang Rampage Society?
Nang walang makuhang sagot dito ay tumigil na ako sa katatanong, kung mas mahal at mas gusto niyang ipagtanggol ang Rampage Society ay wala akong mapapala sa kaniya. Baka nga nilamon na rin siya ng lason na umiikot dito sa kabuuan ng isla.
I quit. Ayoko nang makipaglaro sa kaniya. Umirap na lamang ako sa ere at tangkang lalampasan ito dahil gusto ko sanang bumalik sa Casino Royale nang pigilan ako nito, hinapit pa niya ang baywang ko at inilapit sa katawan nito.
"F*ck, Adam! Take off your hands, I need to go back there—"
"Don't you dare, Laureece. Tama na 'yung iskandalong ginawa mo kanina," matigas nitong sambit, pero bahala siya.
Hindi naman si Windy ang babalikan ko, kung 'di iyong baril ko na kinuha ni Cloud.
"Na kay Cloud ang baril ko, kailangan kong makuha 'yon!" inis na turan ko rito at pilit na kumakawala sa hawak niya.
"Pahupain mo muna, bukas ay kukunin natin at saan mo ba nakuha 'yon? Dati lang ay toy gun ang hawak mo, ngayon ay totoo na?"
"Wala kang pakialam."
"So, ano ka ba talaga, Reece? Journalist o spy?" walang emosyong tanong nito na nagpatigil sa akin.
Unti-unti ay kumalma ako at marahan siyang hinarap na ngayon ay mariing nakatitig sa akin, animo'y tigre na isang mali ko lang ay nakahanda siyang lapain ako. Tumaas ang isang sulok ng labi ko nang matanto ko kung bakit kami nandito ngayon, kung bakit kami lumabas nang wala sa oras.
"May namagitan ba sa inyo ni Windy?" pormal kong tanong, inililiko ang kaninang tanong nito.
Mamatay siya diyan, kunwari pang hindi alam.nKita ko naman ang paniningkit ng dalawang mata nito at napabuntong hininga na binitawan ako.
"We're just friends, all right. Kapwa matagal na kaming nagtatrabaho rito—"
"Just tell me the f*cking truth, Adam," pagpuputol ko sa kasinungalingan niya.
Napaka-imposibleng “friends” lang sila ni Windy. Hindi talaga ako 'yung taong mapanghusga, pero hindi ko maiwasang pag-isipan ng masama si Windy.
"Fine, we flirt—"
Hindi ko na naman ito pinatapos at sinapak na siya sa kaniyang dibdib dahilan nang panlalaki ng mga mata niya. Maang itong napatitig sa mukha kong naubusan na yata ng emosyon.
"Malandi ka rin talaga, ano? Sinasabi ko na nga ba at talagang proud ka pa—"
"Can you stop?" angil nito na hindi na napigilan ang inis. "Yes, we flirt, pero noon 'yon at para sabihin ko sa 'yo wala naman talagang namagitan sa amin, walang nangyari."
"Whatever," pagsuko ko at muli itong inirapan.
Kalaunan nang marinig ko ang pagtawa niya, kaya kunot ang noo kong tinapunan siya ng tingin. Baliw din talaga, tch.
"Just tell me if you're jealous, Reece. We can talk about that," aniya habang nakangising aso na pinagmamasdan ako.
Aba't, ang lakas talaga ng loob.
Bahala na, bwisit kasing Adam na 'yan. Nakailang halik na sa akin, pero hindi man lang mabigyan ng label kung ano itong relasyon namin. All right, nagseselos ako kay Windy. Sinong hindi? Kung si Accent at Cloud nga ay madali niyang nakuha, si Adam pa kaya?
Nagseselos ako, pero alam ko namang wala akong karapatan. Sino ba ako 'di ba? Isang pampalipas oras kapag bored? Isang kalandian na willing namang magpalandi? Pagak akong natawa, kalaunan nang mapait akong ngumiti sa kaniya.
"So, what if I'm jealous?" pagtatanong ko at kibit ang balikat na tinalikuran siya.
"Then let me kiss you."
Kasabay nito ay ang paghatak niya sa braso ko at ipinaharap sa kaniya, mabilis na lumapat ang labi ko sa nakaawang niyang bibig. Sa gulat ay hindi kaagad ako nakagalaw at tanging panlalaki lang ng mata ang nagawa ko.
Naramdaman kong gumalaw ang dila nito sa entrada ng bibig ko, animo'y gustong pumasok ngunit nananatili akong tulala. Gulat na gulat pa rin ang kaluluwa ko na pagtitig lang sa kawalan ang nagagawa ko ngayon.
"Kiss me back, Reece," paos niyang sambit at saka pa sinadyang kinagat ang labi ko dahilan nang pagsinghap ko.
"Ah!" daing ko at pagkakataon niya na iyon upang sakupin ng buo ang bibig ko.
Hinapit pa nito ang baywang ko palapit sa katawan niya, rason para malipat sa akin ang init at tila kuryente na nagpapayanig ng mundo ko. Bulto-bultong kuryente ang dumaloy sa kabuuan ng katawan ko.
Sa galing at sarap na dulot ng labi ni Adam sa kaibuturan ko ay namalayan ko na lang na ikinawit ko ang dalawang braso sa leeg nito, mariin akong pumikit habang sinusundan ang bawat galaw ng labi nito.
We kissed like there's no tomorrow.
Hibang na nga rin siguro ako dahil habang tumatagal ang halikan namin ay mas nagliliyab ang pagnanasa ko sa katawan. I don't know what I'm feeling right now, pero gusto ko iyong ilabas.
"This fight is making me want to take you," tila hirap at namamaos na pahayag ni Adam nang humiwalay kami sa isa't-isa, saka pa niya ako tinitigan gamit ang mapupungay niyang mga mata.
"Then take me, Adam." Bandang huli ay ako rim pala ang talo.