CHAPTER 9

3258 Words
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng binata ngunit nanatili akong tikom upang wag' ipahalatang napakalaki ng epekto niya sa buhay ko. Imbis na mag-react sa mga sinabi ng lalaki'y nilampasan ko lamang siya upang pumunta sana sa dalampasigan ngunit hinawakan niya ang isang braso ko. "Didn't you hear me? Ang sabi ko girlfriend na kita." "Pumayag ba ko'? "Sinong pinagmamalaki mo si Bart Samaniego?" Hindi ko na lamang siya pinansin at piniksi ang braso upang tuluyan makawala sa pagkakahawak ni Xavier, maya-maya'y umangat na lamang ang aking buong katawan dahil binuhat niya ko na parang isang kabang bigas saka' ipinasok sa loob ng mismong inuukopang kwarto. "Ibaba mo ko! Ano ba!" Hindi umiimik ang lalaki hanggang sa maihiga niya sa kama at kubabawan ng sariling bigat nito. He leaned on me while he was on top. "Let go of me Xavier" "Nope. Baka makita na naman kitang kasama 'yong lalaking hudas na yun'. " "What the heck! Anong pake' mo? Ikaw nga kung sinu-sinong haliparot hinahalikan mo." "You sounds like a jealous girlfriend huh?" anito. "No. Never" Imbis patulan ang kaharutan ng binatang kaharap ay pilit kumakawala sa pagkakakubabaw hanggang sa hindi ko inaasahan ang gagawin ni Xavier, naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kanyang mga labi na tila nagpa-inog sa aking buong mundo. Pansamantalang hindi nakakilos at namalayan ko na lamang na kusang tumutugon sa maiinit na halik ng lalaki ngunit biglang pumasok sa isip ang tagpo kagabi kung saan kasama nito si Tanya kaya't para akong binuhusan ng malamig na tubig sa isiping yon'. Mabilis ko siyang naitulak upang makawala sa binata at kasabay nito'y lumagapak ang palad sa pisngi ni Xavier. He seems very shocked on what I did but I wasn't able to see his expression because I immediately walked away from him. Ilang oras din akong nakatingin sa malawak na dagat at maging ang kabuuang ganda ng resort, nang magpasyang bumalik sa kwarto. Ngunit siniguro kong nakaalis na ang binata bago muling bumalik rito. Hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa nagawa sa lalaki, ngunit kinakailangan kong' maging matatag sa mga susunod na mangyayari sa pagitan namin ni Xavier. I was the one who forced myself from him in the first place, since I want to fix the things between us and eventually tell him about my own side of story. Why I left him in the middle of desolation? The only concern here wasn't my feelings at all but rather the moments that I took away from Xavier and our son just because of me being coward. Matapos ang nangyaring eksena sa'ming dalawa kanina, lalong naging awkward ang buong biyahe pabalik sa Maynila. Kasalukuyan kaming nasa biyahe at ilang oras narin ang itinatakbo ng sasakyan ngunit ni isang salita'y walang lumalabas sa pagitan ng bawat isa. Hindi ko maiwasang mag-isip kung babasagin ba ang pananahimik o mananatiling walang kibo ngunit napagtantong hindi dapat pride ang umiral kung gusto kong' maisagawa ang nararapat. 'Destiny wala kang' karapatang magalit dahil sa nakita mo lamang siyang may kahalikang iba at mas lalong wala kang' karapatang magselos dahil unang-una sa lahat kasalanan mo kung bakit mas naging malala ang pagkakakilala niya sa mga babae.' "Ahm, X-xav my apology for what happened." Nanatilling diretso ang tingin ng binata at wala ni isang reaksiyon habang patuloy na tinatahak ang daan kung kaya't bahagyang nahiya sa inasal ni Xavier. Nadaanan namin ang gasolinahan sa gilid ng express way at kapagkadaka'y tumigil siya sa ilang mga kainang katabi nito. "Let's eat first." Akmang tatanggalin ni Xavier ang kanyang seat belt ngunit pinigilan ko ang binata. "S-sorry, patingin nga ng pisngi mo? Masakit ba?" Sinapo ko ang kanyang pisngi upang tignan kung nagkaroon ng bakas ngunit iniwas niya ito at saka dire-diretsong lumabas ng sasakyan kaya't naiwan akong natitigilan. Tahimik na lamang akong bumaba at sumunod sa binata. "Good Day Ma'am Sir" "Table for two." seryosong saad ng binata. "Tamang-tama po may nakareserve po kami para po sa inyo ng girlfriend niyo Sir." masiglang sabi ng waiter. "She's not my girlfriend." "Oh he's not my boyfriend either" "O-okay po Sir, Ma'am this way po" kunot-noong anas ng waiter. Umupo kami sa nakareserbang mesa ngunit ni isa sa amin ng binata'y hindi kumikibo kayat bahagya akong tumikhim upang putulin ang awkwardness sa pagitan namin ng binata. "Like I said, I'm asking for an apology with my action earlier, nabigla lamang ako pasensya ka na." "No need to oblige yourself. Well it's my fault for being aggressive. I realized why should I explain my side if we don't have a thing, right? "Ah y-yeah if you say so." Matapos nang mga sinabi ng binata'y hindi na ito muling nagsalita maging ng dumating ang inorder na pagkain, sa buong durasyon ng pananatili namin sa lugar na iyon ay panay tingin lamang sa phone nito habang susubo ng pasta o ibang mga nakahaing pagkain sa mesa. I'm sure si haliparot na Tanya na naman ang kausap niya! Matapos kumain ay nagpatuloy na kami sa biyahe pauwi sa city, inabutan pa ng traffic kung kaya't medyo natagalan hanggang sa tuluyang makauwi sa condo ng binata. Dumiretso kaagad si Xavier papasok ng kwarto habang naiwan ako sa sala at kasalukuyang nagmumuni-muni ngunit nasa ganung' estado ako ng biglang magvibrate ang sariling cellphone. An unknown message sent on my inbox. [Hi you owe me a dinner right?!] Nag-reply back ako upang alamin kung sino, kahit pa parang nahuhulaan ko kaninong mensahe ito nanggaling. And I was right, it was from Bart. I remember when he said that I owe him a favor. --- Kinabukasan, maagang naghanda papasok sa opisina si Destiny dahil kasama sa napagkasunduan nila ni Xavier ay ang pagtatrabaho niya bilang executive assistant ng binata. Ito ang kanyang unang araw sa trabaho at tiniyak niyang maaga siyang makararating sa opisina upang ipakita sa binata ang kanyang professionalism. Hindi niya maiwasang kabahan sapagkat maaring maapektuhan ang kanyang performance sa mga nangyayari sa pagitan nila ng binata. Hindi na niya hinintay magising si Xavier kaya't napilitan siyang mag-commute patungo sa empire ng huli. Shit Des, kailangan mong maging insensitive pagkaharap mo siya. Pagkarating sa loob ng establisyimento'y kaagad niyang hinanap ang dating secretary ng lalaki na sadyang nalipat sa ibang departamento sapagkat siya ang papalit sa pwesto nito. "Hi Ms. Clarisse!" "Hi Ms. Dela Fuente, kindly follow po. Na-orient na po ako ni Sir with regards sa magiging opisina niyo." magiliw na saad ng dalaga. Sumunod lamang ako sa babae at dinala ang aking mga paa sa mismong loob ng private office ng binata na sadyang mayroong dalawang bakanteng desk. "Ms. Dela Fuente dito po kayo pinapupwesto ni Sir." "A-ah ganun ba? Hindi ba parang sobrang pribado naman ng magiging opisina ko kumpara sa dati na nasa labas kung saan nakapwesto ang desk mo?" tanong sa dalaga ngunit ngumiti lamang ang babae at naputol ang aming pag-uusap ng bumukas ang pinto ng naturang kwarto at tumambad ang lalaking kanina pa nasa isipan. He was wearing three piece suit that shouts an authority or power towards the entire people. Na lahat ata ng sasabihin ng binata'y walang pwedeng bumali. "Do you have any problem with your new office Miss Dela Fuente?" "N-no Sir I was--- I was just asking." "Good. Kung ayaw mo ang mga rules ko dito might as well leave. I'm very strict with regards to all regulations in this empire." "Yes S-sir." "By the way, Clarisse kindly orient Ms.Dela Fuente about your unfinish loads." "Noted Sir." Pinasunod ako ng babae palabas ng opisina ngunit muling nagsalita ang binata. "Bring me coffee, no sugar. After your business with Ms. Clarisse. Thank you." Hindi na ko kumibo at basta na lamang sumunod sa dati nitong sekretarya. "Medyo masungit talaga si Boss Ms. Dela Fuente pagpasensyahan mo na po." "No it's okay. Kaya ko pa naman siya i-handle so far." sagot ko sa dalaga na kababakasan ng kabaitan base sa pakikipag-usap nito. She's also into keen details about the papers she handed over me. Matapos kong maintindihan ang nature of work ay agad akong dumiretso sa pantry upang ikuha ng coffee ang aking napaka-bossy na boss. "Gosh Destiny! ano bang katangahan yung makikiusap kang magpa-alila para lamang sa karapatan ng anak mo?" bulong sa sarili. Matapos matimpla ang kape'y dumiretso ako sa pribadong opisina ng binata upang ibigay rito ang inumin ngunit sa pagkakataong iyon ay natigilan ako sa di inaasahang bisita ng lalaki. . "Are you done?" tanong ng binata. "Y-yes Sir." Nanginginig ako habang lumalapit sa dalawang lalaking nasa harap kasabay nito'y nilapag ko ang kape sa mesa ng binata. "You didn't tell me that you've got high qualifications when it comes from hiring a secretary Mr. Villaforte." he said with sarcasm. Xavier smug the sideways of his lips then precede to the business. "Anyway, Mr. Lagman where did we stop?" balik-tanong ng binata. Marahan akong umupo sa naka-designate na desk sa loob mismo ng opisina ni Xavier. Hindi ko alam kung paanong reaksiyon ang gagawin dahil sa lubos na emosyong pumapaloob sa'king dibdib. Dahil muling nasilayan ang lalaking sumira ng buong pamilya at buhay ko at maging kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung ilang oras nakatungo at kunwang inaabala ang sarili, kahit halos gusto kong sugurin ang lalaking di inaasahang tutungo sa loob ng opisina. Natapos lamang ang pag-uusap ng mga ito nang di ko namamalayan. Hanggang sa tumungo sa pinto ang lalaki, ngunit di ko inaasahang may lakas pa ng loob ang lalaking tanungin ako matapos ang lahat ng mga nangyari dahil sa kagagawan nito. "Hi Ms. Dela Fuente, right?" I did a very superficial smug and straightly look into his eyes. "Yes Sir." "Nice position Miss, It looks good on you. I hope you could visit my office sometime, together with Mr. Villaforte. Ciao!" patuyang anito. Hindi ako tumugon dahil alam kong nagpapasaring lamang ang lalaki. Halos masugat ang aking mga kamay sa sobrang pagkakuyom at pagtitimpi. Tuluyang umalis ang lalaki ngunit nanatili ako sa ganoong pakiramdam hanggang sa may maglapag ng pagkain sa mesa. Marahil ay masyado akong tutok sa mga papeles upang maiwala sa isip ang mga tagpo kanina. "Nakalimutan mong kumain, ayoko ng malnourish na empleyado sa kompanya ko." saad ng binata ngunit nanatiling blangko ang ekspresyon ni Xavier. Bahagyang tumango lamang ako upang magpasalamat sa lalaki. Ang ikinagulat ko'y ang marahang paglapat ng likod nang palad ni Xavier sa leeg ko, na sadyang naghatid ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ng aking p********e. Di ko malaman ang gagawin sa mga paru-parong lumilipad sa loob ng aking tiyan. "Are you sick?" "I'm fine Sir." "Maaga kang mag-out, ihahatid kita sa bahay para makapahinga ka." mariing saad ng binata. "Hindi naman na kailangan Sir, 'saka may scheduled meet up po ako sa isang kaibigan." anas ko. Hindi ko alam kung dala ng kaba o dahil kapansin-pansin ang dumaang galit sa mata ng lalaki sa mga nabanggit dito. " Sinong makakasama mo?" "S-si Bart po Sir. Teka bakit kailangan mong mapaliwanag Destiny? Sino ba siya para pakiligin ka? Aish este pakialaman sa desisyon mo bilang tao? Nanatili itong walang reaksiyon at basta na lamang umalis sa harapan ko, ngunit ikinagulat ang sinabi nito bago tuluyang umupo sa mismong swivel chair. "Tell that dope that you're not going anywhere. Are we clear?" "Wait Sir, wala akong nakikitang mali sa ginagawa ko. Siguro naman labas ang gagawin kong pakikipagkita sa mga kaibigan ko sa pagtatrabaho sa kompanya mo." "Yes Ms. Dela Fuente , but let me remind you na hindi porket sinabi kong mag-early out ka, magtetake advantage kana sa sitwasyon. If you can't make an early out; I hope you could do an overtime." anang lalaki. Hindi nagdalawang isip si Xavier sa kanyang mga sinabi. He put tons of work under my responsibilities just to sabotage my dinner date with Bart. Pero nakakahiya sa binata kung pati sa pangalawang pagkakatao'y tatanggihan ko ito. We were the only people left in the office and he seems that he has no plans to get over yet. Habang kasalukyan akong nag i-ischeme ng nasabing mga files ay siya namang vibrate ng sunud-sunod nang aking phone. It's Bart. [Are we going?] [Still up?] Nahihiya akong magreply hangga't hindi pa nakakaisip ng paraan. Hanggang sa nagdecide akong takasan na lamang ang binata. "Sir I'll be going to the comfort room for a while." Imbis sumagot ay tumango na lamang ito at kaagad sumubsob sa kanyang laptop. "Be back. I'll give you ten minutes " "Y-yes Sir." Dali-daling lumabas ng building at pumara ng taxi upang tumungo ng restaurant na hindi nagpapaalam sa lalaki sapagkat alam ko namang ayaw lamang niyang makasama ko si Bart. Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin ngunit isinasantabi ko na lamang sa isip. SANTORINI RESTO BAR The loc. were so cozy though, the theme of this restaurant was in to turnt up' but still perfectly lit for this era of creativity. The brass window panels and exterior design were merely instagrammable. Pagkapasok ko ng loob ay mas namangha sa pagiging artsy ng mga design. They also served sangria and mojito drinks with some tune-up jazz and classical music. Kaagad akong sinalubong ng waitress at iginiya sa kinuupuan ni Bart. He was promptly sitting at the corner . "Hi I'm sorry. I 'm so late!" saad sa binata. Kaagad niya kong inalalayan paupo sa harap ng binata. "No it's okay, I thought hindi na naman tayo matutuloy eh." "It won't happen. Nakakahiya naman sayo kung palagi kitang i-tuturn down." nahihiyang saad sa lalaki. Kinuha ng waiter ang aming order at habang nasa kalagitnaan kami ng usapa'y sunud-sunod nag-ring ang aking cellphone ngunit imbis intindihi'y ini-off ko na lamang dahil alam kong si Xavier ang nag-message. I'm expecting that he's so angry right now, and I don't want to ruin my night just because of his indifference towards my new found friend. "So how's working with your nemesis?" birong saad ng lalaki. I just laughed with what he said pertaining to Xavier. "Well, first day ko ngayon kaya masyado niyang inubos ang creative juices ko." "Halata nga but you still look so beautiful tonight." "Hey don't pull my legs Bart, I don't have any fat big money on my clutch." Tumawa lamang ito sa mga nasabi ko. The conversation went on till late up night, he was very entertaining because of his humor and stuffs. Nagyaya na akong umuwi upang hindi masyadong sabunin ng naghihintay sa condo. He didn't also allow me to take grab taxi so he extracted me from home. "Nandito na tayo Destiny." Hindi ko namalayang nakatulog ako kung kaya't medyo naalimpungatan ng gisingin ng binata. "T-thank you Bart, pasensya ka na hindi na kita mapapaakyat sa condo." Bahagya lamang tumango ang binata ngunit mas nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Hinalikan niya ko sa pisngi kasabay nito'y ini-unlock niya ang seatbelt ko upang makaalpas sa sasakyan niya. "Anong ginawa mo?" "S-sorry, nabigla lamang ako." saad ni Bart. "S-sige mauuna na ko, sana sa susunod wag' mo nang uulitin yun Bart." Medyo namula ang lalaki ngunit ngumiti parin ito bilang pagrespeto saka lumigid sa kabilang bahagi ng sasakyan upang ipagbukas ako ng pinto. Pagkaalis ng lalaki'y nagmamadali akong pumasok sa condo tower at ni hindi na nagawang magpaalam sa mga bumating gwardiya. I'm so fuckin' nervous right now because of what I did to Xavier pero anong magagawa ko kung nandiyan na? Pagkatapat sa pinto'y di ko malaman kung papasok na lamang bigla o kakatok ngunit gagawin na sana ang binabalak ng eksaktong tumunog ang cellphone. It was Nana! "Hello Nana?" "Hay salamat na-kontak din kita iha, nangungulit itong anak mo at gusto ka niyang makausap." " Sige po Nana, pakibigay na lamang po kay Den-den." Kagyat kong narinig ang boses ng anak. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa sitwasyon naming dalawa. I really miss him so much. "Sige baby wag' kang mag-alala pupunta ako ng weekend para mag-bonding tayo ha?" Habang kausap ang anak sa phone ay dali-daling bumukas ang pinto at tumambad ang madilim na mukha ng binata. Imbis pansinin o magreact, ay pinili ko na lamang dumiretso ng sala, dahil hindi ko naman pwedeng putulin ang pakikipag-usap sa anak kaya't nakipaglambingan muna ako ng ilang minuto bago ko ini-off ang phone. Buong akala ko'y pumasok na sa kwarto ang binata ngunit tumalon ang buong puso ko ng makita siyang prenteng nakaupo sa mahabang sofa na tila isang hari. He straightly looked me in the eye as if he'll going to swallow me wholly. "K-kumain kana X-xav?" "Hindi pa. Hinihintay ko kasi yung taong paasa. Ang sabi niya mag-CCR lang, nun' pala nakipagkita na sa iba." mahinang usal ng binata ngunit kababakasan ng galit ang tono nito. "L-look I'm so sorry---." Hindi ko naituloy ang dapat sana'y sasabihin ng dumagundong ang sigaw ng binata sa buong unit kaya mas kinabahan at naumid ang aking dila sa isiping nagalit siya ng sobra. "Where the f*****g goddamn cubicle did you go para lamunin ka ng inidoro Ms. Dela Fuente?" "S-sir, sorry kasi.... kasi..." s**t anong gagawin ko? "Kasi ano? Nakipagkita ka ba sa lalaking 'yon ha? Kaya mo naisipang tumakas sa mga trabaho?" Mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko ng mula sa pagkakaupo'y biglang tumayo ang binata kasabay nito'y humakbang palapit sa'kin. "Bakit hindi ka man lamang nagpaalam kung atat na atat ka na palang umalis?" "Please Xav', don't make it a big issue. I'm tired could you please let me sleep?" pinipilit kong ikalma ang sarili sa pamamagitan ng pambabalewala, ngunit hindi ganung kadali lalo na sa ayos naming dalawa na halos damang dama ko ang init ng kanyang kabuuan. He literally stepped closer to me. Hindi ang kanyang galit ang nagpapakaba sa'kin kundi ang kanyang malapit na presensiya. I could feel his huge impact on my nerves even in just a simple touch or even like this. "Don't make me feel like a fool because the last thing you made me like this, I've felt being empty and useless." "S-sorry." "Diyan ka lang naman magaling Destiny, sa paghingi ng sorry di ba?" "Xavier hindi ko naman alam na hahanapin mo ko, 'saka----" "Yeah exactly, wala ka talagang alam sa mga nangyayari sa paligid mo dahil insensitive ka." "Ano bang ikinagagalit mo?!" hindi ko mapigilang tumaas ang boses sa mga paratang niya. "Manhid ka ba talaga ha? " "Alam mo, hindi ko alam kung anong problema mo! At lalong wag' mo kong masigaw-sigawan dahil nagtitimpi lamang ako sa lahat ng ginagawa mo dahil ako ang nagpumilit na alilain mo para makabawi man lang sa mga kasalanan ko sayo! Pero wala kang----" naputol ang sasabihin ko ng hilahin ni Xavier at sapuin ang aking batok saka mapusok na halikan. Halos nginangasab nito ng kabuuan ng aking labi na tila mauubusan ng hininga dahil sa pananabik. Maya-maya'y tumigil ang binata at tila napapasong lumayo sa'kin. "f**k! You know what's my f*****g problem huh?!" sigaw ng binata. "Paano ko malalaman hindi mo sinasabi!" "Im jealous!I'm so f*****g jealous! ano masaya kana ha? Oo, nagseselos ako sa putang inang lalaking 'yon!" Natigilan ako sa mga nasabi ng binata kaya't matagal naproseso sa utak ang lahat ng mga rebelasyon ng lalaki. Saka namalayang wala na ang binata at ang tanging narinig na lamang ay ang padarag na pagsara ng pinto ng sarili nitong kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD