“Huh? Sakin? Anong ginawa ko? S-sorry-” sambit ni Aliyah. Mabuti na lang maliwanag ang kwarto at kitang-kita ko ngayon ang pamumula sa mukha niya. Wala man'g ideya sa tumatakbo sa utak ko, nakuha niya pa ring humingi ng tawad ng ganon-ganon na lang. Why does this person know when and where to lower her pride? I find it cute though. Hindi ko alam kung itatanong ko ba sa kanya ang tungkol sa pinag usapan namin ni Faye. Bukod pa sa ideyang masasagot ang lahat ng gumugulo sa isip ko, nakokonsensya ako dahil paano kung totoo nga na ang gabing iyon ang unang beses na may nangyari sa amin ni Aliyah? DI ko namalayan na napatagal ang pagtitig ko sa kasama. Dahil dito, tila nahiya si Aliyah sa titig na ipinupukol ko sa kanya kaya naman yumuko ito. Napa-buntong hininga na lamang ako. Ano? Sasabih

