Hindi nagtagal at nakabalik na ang hinihintay namin. Kumaway pa ang dalawa sa pwesto namin, hindi alintana ang bilis ng mga lakad. Di ko na rin nagawang makapag-react sa sinabi ni Aliyah. Ayoko rin namang ibulgar ang sarili gayong papalapit na sina Ivy sa direskyon namin. Maya-maya pa’y kasabay na lumabas si Tita Tess mula apartment. Hawak-hawak niya ang cellphone sa kanang kamay habang aktong humahawi pataas at pababa ang mga daliri sa screen. Sa wari ko ay nag so-socmed si Tita. Dahil sa usapan namin ni Aliyah, hindi ko na rin namalayan na nawala pala si Tita. Noon ko na lang din napansin ang ngayong basang tiles sa loob ng bakod. Mabuti na lang pala malayo kami sa direksyon kung saan umaagos ang tubig galing sa mas mataas na elevation ng lugar. Kung nagkataon, walang kamuwang-muwa

