Sabado nang tanghali at nasa Department store kami ni Ate. Namimili kami ng stocks sa bahay pati na rin ang dadalhin ko pabalik ng apartment. Nagpaalam din ako kay Ate na lilibot muna kasama sina Jeneselle at Britney dahil matagal-tagal na rin simula ang huli naming labas. Buti na lang at pumayag na gumala kami, dahil kung hindi ‘diko alam kung paano ko tatapusin ang araw na ito. Naglakad si Ate putungo sa pwesto ng mga carts, and she grabbed the big cart. Mukhang mapaparami ang bibilhin niya kaya siguro malaki agad ang kinuha niya. Lalakad na sana ako papasok ngunit tinawag niya ako pabalik. “Grab another cart for you, maghiwalay na tayo sa pagpili ng groceries. Since yang sayo naman ay dadalhin mo sa apartment at etong sa akin ay para sa bahay. Let’s meet na lang sa may mga counter,

