BUNNY PUGTO ang mga mata niya dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya habang nakatunghay sa columbarium kung saan nakalagak ang abo ni Asher. Nakasulat doon ang pangalan ni Asher at isang maliit na larawan nito. Marahan niya kinatok ang niches saka pinahaba ang nguso habang patuloy pa rin ang pag patak ng mga luha niya. "You're so mean. You didn't say goodbye to me. Sana kahit sa panaginip, nag effort ka man lang sana." Ani sabay punas ng luha sa pisngi. "At saka, bakit wala ka sinasabi na may kambal ka, nagulat kaya ako akala ko pa naman walang lihiman." Huminga muna siya nang malalim saka kiming ngumiti. "Dapat ba akong maniwala kay Diego? Sure ka bang hindi siya ang pumatay sa'yo? Para kasing ang bilis, nagkita lang kayo tapos namatay ka na?" Suminghot singhot pa siya sabay

