BUNNY PASIMPLENG nagdahilan siya at nagsabing pupuntahan lang niya si Asher. Kanina pa panay kulit sa kaniya ni Mommy Angela at Lola Anastacia ng mga bagay patungkol sa pagbubuntis at mga baby. Duh! Umikot ang mga mata niya sabay buga ng hangin nang payagan siya ng mga ito. Mabilis siyang nagtungo sa ikalawang palapag, kanina pa siya nag aalala kay Diego baka naligaw na ito o magkamali ito, mabubuking pa sila pag nagkataon. Sakto naman pag akyat niya, namataan niya si Diego sa dulong bahagi ng pasilyo, nakatayo sa nakabukas na pinto. Marahil iyon ang kuwarto ni Asher. Medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil mukhang 'di naman nahirapan si Diego sa pagtunton ng kuwarto ni Asher. Marahan siyang lumapit sa binata. Magtatanong pa lang sana siya kung bakit nakatayo lang ito sa pinto at hin

