DIEGO NAKATAYO siya malapit sa morgue kung saan inilagay ang katawan ni Kiko. Nasa loob niyon ang Nanay at kapatid ni Kiko, kaya dinig na dinig niya ang malalakas na iyak ng mga ito. Punong puno ng hinagpis ang puso niya. Hindi niya alam bakit kailangan maramdaman niya iyon? Bakit? Ito ba ang kapalit ng pagiging Sandoval niya? Ang mawala paisa isa ang mga importanteng tao sa buhay niya? Una si Asher na kakambal niya, ngayon naman si Kiko na matalik niyang kaibigan. Sana hindi na lang siya nangarap ng ganitong buhay, sana nanahimik na lang siya at nakontento sa pagiging mahirap. Huminga siya nang malalim at pinunasan ang basang pisngi. "Salamat sa lahat, kaibigan. Huwag kang mag alala, ako na bahala sa pamilya mo." Pabulong na wika niya saka tumalikod at bumalik uli sa hospital room n

