DIEGO CABUYAO TOWN PLAZA Kasalukuyan kasama niya si Kiko, nagpaalam siya saglit kay Mommy Angela na may pupuntahan lang. Hindi na niya ginising si Bunny dahil tulog na tulog pa ito kanina. Napuyat ba si Bunny? Nailang din ba ito dahil nasa iisang kuwarto sila? "Tsk! Ibang klase rin ang kapatid mo, Diego. Matagal na pala niyang alam ang tungkol sa'yo, hinayaan ka lang niya maghirap? Ang labo sobra! parang wala talaga siyang balak tulungan ka." Palatak ni Kiko nang inabot niya rito ang larawan niya na nakuha nila ni Bunny sa mga gamit ni Asher. "Ayokong mag isip ng hindi maganda kay Asher. Puwede rin naman pinadala lang sa kaniya 'yan para takutin siya." Depensa niya. Ayaw niyang isipin na wala talagang balak si Asher na sabihin sa pamilya nila ang tungkol sa kaniya. Gusto niyang isipi

