DIEGO "YES. Your Mother. My Mom told me she's coming here. Isn't amazing?" Nagitla siya sa narinig. Halo-halong emosyon ang bumabaha sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Ang kanilang Ina, ang totoong Ina niya. Makikita na niya ito sa wakas. Subalit, matuwa kaya ito oras na malaman nito ang totoong nangyari kay Asher? Tanggapin kaya siya nito o sisihin sa pagkamatay ng kapatid? Napalunok siya ng laway. Nag iinit ang gilid ng mga mata niya. Paano niya haharapin ang kanilang Ina? Paano kung matuklasan nito agad na hindi siya si Asher? Titigil na nga ba siya sa hustisyang nais niya para sa kapatid? Dagli siya napatayo sa kinauupuan at niyaya na si Bunny bumalik sa hotel room nila. "A-Are you okay?" mayamayang tanong ng dalaga sa kaniya. Tumango tango siya. He's not okay. Really. "A

