Lanie's Pov: Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan ng mga kaibigan ko bago sumampa sa motorbike. Inayos ko ang pagkakasuot ng helmet ko at sinet ang relo. Hinabol ko pa ng tingin ang sasakyan nina Kalvin na nakapasok na sa parking lot ng ospital. Binuhay ko ang makina ng motorbike at mabilis na pinaharurot iyon. Malalim na ang gabi kaya malinis na ang kalsada ng El Trinidad. May ilang sasakyan akong nakasalubong pero hindi naman naka-abala sa akin ang mga iyon. Mabilis at dire-diretso ang byahe ko. Malamig ang hangin at kahit nakasuot ako ng makapal na jacket ay ramdam ko pa din ang malamig na dampi niyon sa balat ko. Ang bayan ng Lumina ay ang bayan pagkatapos ng El Trinidad. Malapit lang iyon kung tutuusin pero base sa mga sinabi nina Kalvin kanina ay mahirap makapasok at makala

