Lanie's Pov: "She's amazingly beautiful," komento ni Jackques habang tutok na tutok ang mga mata sa sketch. Para pa ngang luluwa ang mga mata n'ya sa paghanga sa kagandahang nakikita. "She's deadly," sabi ko naman na ikinasimangot ng lalaki. "Nakalimutan mo na bang pwedeng s'ya ang magdala ng kamatayan mo?" My eyes are fixed on the facial composite of the lady killer. Hindi agad napagtuunan ng pansin ang paggawa sa facial composite ng Night Owl na nakalaban ko sa ospital nina Nonanette dahil sa dami ng mga nangyari. Hinayaan din muna nila akong gumaling sa sugat ko bago ako hiningan ng deskripsyon tungkol sa babae. Madami ding naging misyon ang Prime Crime kaya halos naisantabi iyon na ngayon lang napagtuunan ng pansin. "Any comment?" Rico, the composite artist s***h agent asked me.

