Lanie's Pov: Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpapabalik-balik dito sa labas ng mansyon. Sobra ang kabang nararamdaman ko at hindi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko ay kulang na kulang ako sa tulog kahit na nakatulog naman ako nang higit pa sa walong oras kagabi. Hindi ako nakapag-almusal pero ni hindi ako nakakaramdam ng gutom. Maiihing hindi ang pakiramdam ko. Nananakit ang tiyan ko sa nerbyos na nararamdaman at hindi ko talaga gusto ang mga bagay na pumapasok sa isipan ko. I'm imagining things that are not helpful. Ilang oras na ding ganito ang pakiramdam ko at hindi na nawawala ang kabog ng dibdib ko na kanina pa ako ayaw tantanan. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam. And the last time I felt this was seven years ago, when everyone thought

