Lanie's Pov: "Mi Amor!" Napamura pa si Jackques nang matapilok s'ya sa pagmamadali sa paghabol sa akin. Dinig na dinig ko ang pag-ingit n'ya pero hindi pa din ako nagpa-awat. Hindi na ako makakapaghintay kaya pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan namin ay halos liparin ko na makababa lang agad. Mabibilis ang mga hakbang na pumasok ako sa mansyon ng mga Aronzaga. Ilang agents ang nabangga ko at ang ilan ay kusang tumabi nang makita ang pagmamadali ko. "Maelanie! Sandali!" Sa wakas ay naabutan ako ni Jackques. Hinawakan n'ya ako sa braso at iniharap sa kanya. "Ano bang problema? Anong nangyayari sa 'yo?" Naningkit ang mga mata ko. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa mensaheng natanggap ko kagabi pero natatakot ako. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa kutob ko sa na

