Lanie's Pov: Napatingala ako sa kalangitan. Mainit at maalinsangan ang buong paligid. Hindi pa nakatulong ang tirik na tirik na araw na kanina pa kami binibigyan ng napakasakit na init sa balat. Nakakapaso iyon lalo na at kanina pa kami nakabilad sa ilalim ng araw. Nandito kami sa Hespheria para hanapin ang katawan ng ama ni Jackques. Sa dami ng lugar na naisip ko ay hindi man lang sumagi sa isipan ko na dito lang itinago ng Incubus ang bangkay ni Tito Kronos. Sino ba namang mag-aakalang sa lugar kung saan nagsimula ang lahat ay ang parehong lugar din na naging libingan ni Tito Kronos? Cuatro told us that he disposed Jackques' father's body here. Dito sa liblib na lugar sa Hespheria, sa Barangay Ignacio. Ang dulong bahagi ng Barangay Ignacio ay malayo na sa kabahayan dahil isa itong pr

