Simula
“Tangina, bilisan mo, Naveah! Baka mahuli tayo!” sigaw ni Melanie habang halos kaladkarin niya ako sa pagmamadali.
Mabilis ang t***k ng puso ko, parang ano mang oras ay lalabas ito sa dibdib ko. Hindi ito ang unang beses na tumatakbo kami, pero hindi rin ako nasanay. Buong buhay ko ay puro takbo.
Wala kaming permanenteng tahanan. Walang lugar na matatawag naming bahay. Kung saan kami dalhin ng takot, doon kami napupunta. Kung saan hindi kami mahahanap, doon kami nananatili.
Pero kahit gaano kalayo ang takbuhin namin, parang palagi pa rin silang nasa likuran namin. Parang kaunting galaw namin ay mahahanap kaagad kami, gano’n sila ka makapangyarihan.
“s**t! Hindi ko inaasahang mangyayari ulit ‘to,” galit na bulong ni Melanie habang patuloy kaming naglalakad nang mabilis. “Halos dalawang taon na ring walang naghahanap sa’yo. Bakit ngayon na naman?”
Hindi ko rin alam ang sagot.Si Melanie ang nag-iisang taong natira sa buhay ko. Magkasama kaming lumaki. Magkasama kaming namulat sa mundong puno ng pagtatago at pagtakas. Ang mama niya ang tumayong ina naming dalawa matapos mawala ang mga magulang ko.
Pero nang mamatay rin siya… kami na lang ang natira. Dalawang batang pilit nabubuhay sa mundong gustong hulihin ang isa sa amin. Napakahirap ng lahat.
We barely survived each day. Minsan kulang ang pagkain, minsan wala kaming matulugan. Ang perang iniwan sa amin ay unti unti nang nauubos habang patuloy kaming lumilipat ng lugar.
For fifteen years, I’ve been running. Fifteen years of looking over my shoulder. Fifteen years of living in fear. At pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mayroon sa akin.
Ang alam ko lang, noong sanggol pa ako, ipinagbili ako ng isang organisasyon. Ayon sa mga kuwento, nakatakda raw akong mapabilang sa kanila kapag sapat na ang edad ko. Pero ayaw iyon ng mga magulang ko kahit na sila din naman ang may rason kung bakit naging ganito ang buhay namin.
They chose me over their own safety. Tinakas nila ako at sa loob ng ilang taon, nagtagumpay sila. Hanggang sa natagpuan nila kami… at doon sila tuluyang namatay.
Napalunok ako habang pilit na nilulunok ang sakit na kahit kailan ay hindi nawala. After that, Melanie’s mother became my protector. She risked everything just to keep me alive. And now… fifteen years later… they’re looking for me again.
Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang gusto nila. At lalong hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin sila sumusuko matapos ang napakaraming taon.
“Natatakot akong mamatay, Mel…” mahina kong sabi.
Halos mabasag ang boses ko. Takot na takot ako. Hindi dahil baka masaktan ako. Kund ‘di dahil pakiramdam ko, ngayong gabi, matatapos na ang lahat. Humigpit ang panga ni Melanie.
“Hindi ka nila papatayin. Iyon ang kasunduan, Naveah.”
Napatawa ako nang mapait.
“Pero pinatay nila ang Papa at Mama ko.”
Natigilan siya.
Pareho naming alam na may punto ako. Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin bago siya muling nagsalita.
“Huwag na tayong magsalita. Baka maabutan tayo.”
Tumango ako, mas binilisan namin ang pagkilos. Nauna siyang lumabas ng inuupahan naming bahay upang tingnan kung ligtas ang paligid. Mabilis kong itinali ang itim na silk scarf sa aking mukha bago sumunod sa kanya.
Malamig ang hangin ng gabi, ngunit hindi iyon sapat para pahupain ang takot na gumagapang sa buong katawan ko. Mahigpit kong niyakap ang bag na tanging naglalaman ng mga natitira naming gamit.
Everything we owned. Everything we had left. Mabilis kaming naglakad sa madilim na eskinita patungo sa labasan. Pareho kaming malalaki ang hakbang para makatakas, para makaabot sa labasan.
Hanggang sa biglang nanigas si Melanie. Tumigil din ako at doon ko sila nakita. Dalawang lalaking nakatayo sa mismong labasan. Pareho silang nakasuot ng itim. Parehong tila may hinihintay. At nang bahagyang lumingon ang isa sa kanila… diretso itong tumingin sa direksyon namin.
Parang huminto ang mundo ko. Parang tumigil ang paghinga ko. Naramdaman ko ang malamig na pagdaloy ng takot sa aking mga ugat. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Melanie.
“Tangina…” bulong niya.
Then she grabbed my wrist.
“Tangina, takbo, Naveah!”
At muli… tumakbo na naman ako para sa buhay ko. Mabilis ang takbo naming dalawa ni Mel. Sanay na sanay na kami sa ganito. Ilang taon na ba kaming tumatakbo? Ilang beses na ba kaming muntik mahuli? Hindi ko na mabilang.
Kahit gaano pa kabigat ang mga bag na dala namin, kaya naming tumakbo nang hindi lumilingon. Para bang naging parte na ito ng buhay namin.
Run. Hide. Survive. Paulit-ulit na lang iyon ang routine ng buhay namin. Kapag may humahabol, tatakbo. Kapag delikado, magtatago. At pagkatapos noon, gagawin ang lahat para makaligtas at mabuhay ng isa pang araw.
Pero sa pagkakataong ito, iba. Mas mabigat ang pakiramdam sa dibdib ko. Mas malakas ang kutob kong may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Sa gitna ng tuloy tuloy naming pagtakbo, tuluyan akong nabitawan ni Mel.
"Naveah!" sigaw niya.
Dinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Napalingon siya nang maramdamang wala na ang kamay ko sa hawak niya. Nang makita niyang nakasunod pa rin ako sa likuran niya ay bahagyang lumuwag ang ekspresyon niya bago muling bumilis ang takbo.
I could feel my whole body trembling. My lungs were burning. My heart was pounding so hard that it felt painful.
Malamig ang gabi ngunit basang-basa na ako ng pawis. Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko sa sobrang pagod ngunit pinilit ko pa ring gumalaw. Hindi ako puwedeng huminto.
Not now. Not when freedom was only a few steps away. O baka hindi naman talaga. Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang sa tuluyan kaming nagkahiwalay. Dahil sa taranta, dahil sa kaguluhan, at dahil sa dami ng taong humahabol sa amin.
Bago lang kami sa lugar na ito. Hindi ko kabisado ang mga eskinita at daanang pinapasok ko. Kahit si Mel ay hindi rin pamilyar dito at iyon ang mas lalong nagpataas ng takot ko. Hindi lang para sa sarili ko. Kung ‘di para rin sa kanya.
What if they catch her because of me? What if she gets hurt because she chose to stay by my side?
"Lord..." mahina kong bulong habang pilit na hinihingal.
For once… I wanted a miracle.
Takot na takot na ako. Hindi ko alam kung saan pupunta. Hindi ko alam kung paano makakatakas. At higit sa lahat, hindi ko alam kung buhay pa ba si Mel sa mga sandaling ito. Nagawa ko pang lingunin ang mga humahabol sa akin.
At halos mawalan ako ng pag-asa. Lima. Limang tao na ang nasa likuran ko at mabilis silang papalapit. Parang mga aninong hindi napapagod. Parang mga multong matagal nang naghihintay na mahuli ako.
Unti-unting lumalabo ang paningin ko. My chest hurts. My legs screamed in pain. At bawat hakbang ay pakiramdam ko mababagsak na ako.
Napalunok ako. Siguro… hanggang dito na lang talaga. Siguro ito na ang katapusan ng labinlimang taong pagtakas.
I was ready to fall. Ready to surrender. Ready to accept whatever fate had been waiting for me all these years. Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng lakas, may biglang humawak sa pulsuhan ko.
Napasinghap ako. Isang malakas na pwersa ang humila sa akin papasok sa isang madilim na eskinita. Masyado iyong mabilis. Masyadong biglaan. Hindi man lang ako nakapag-react. Bumangga ang likod ko sa isang matigas at mainit na katawan.
A strong arm immediately wrapped around my waist. Pinigilan ako nitong makawala. Napahawak ako sa dibdib ng estrangherong nasa harapan ko habang pilit na hinahabol ang aking paghinga.
Nanlaki ang mga mata ko. The scent of smoke and expensive cologne surrounded me. And somehow… it felt terrifying.
"Got you."
Napapikit ako nang marinig ang boses niya. It was deep and low, carrying a certainty that sent chills down my spine. Para bang sigurado siyang hindi na ako makakatakas at sa wakas ay nasa kanya na ako. Para bang matagal na niya akong hinahanap.
Umuwang ang mga labi ko. Agad akong nagpumiglas. Sinubukan kong itulak siya. Sinubukan kong sipain siya. Sinubukan kong makawala. Pero parang bakal ang mga braso niya.
The more I struggled, the tighter his grip became.
"Bitawan mo ako!" halos pasigaw kong sabi habang nagpapanic.
Ngunit tila hindi siya naaapektuhan. Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa aking tainga. At doon tuluyang nanlamig ang buong katawan ko.
"I got you now, Naveah."
Huminto ang mundo ko dahil hindi lang niya ako nahuli… alam niya rin kung sino ako.
“B-Bitawan mo ako... p-please...” nanginginig kong sambit habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. “N-Nagmamakaawa ako...”
Hindi ko na alintana ang kahihiyan. Hindi ko na alintana ang pride. I was desperate. Desperate enough to beg for my freedom. Ngunit sa halip na maawa, mas lalo lamang humigpit ang hawak niya sa akin.
"I've been looking for you all this time," he whispered against my ear.
Napasinghap ako. His voice was calm. Napaka kalmado. As if this wasn't a chase. As if this wasn't the end of my freedom.
"You think I'll let you go now?"
Nanlamig ang buong katawan ko. A violent shiver ran down my spine. Pakiramdam ko ay unti-unting nawawalan ng hangin ang paligid habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon.
I've been looking for you all this time. Hindi ito aksidente. Hindi ito pagkakamali. Matagal nila akong hinanap. Matagal nila akong pinaghandaan. At ngayon… nahanap na nila ako.
Unti-unting nagsink in sa akin ang lahat. Lahat ng pagtakbo. Lahat ng pagtatago. Lahat ng sakripisyo. Ang pagkamatay nina Mama at Papa. Ang mga taong iniwan ko. Ang mga gabing natutulog akong may takot na baka paggising ko ay nahuli na nila ako.
Lahat ng iyon... wala rin palang silbi. Because in the end, they still found me.
Napapikit ako habang tuluyang bumigay ang mga tuhod ko, ngunit hindi ako nahulog dahil mahigpit pa rin niya akong hawak.
I was trapped, I’m caged. Like I had always been. Hindi ko pag-aari ang buhay ko. Hindi ko kailanman naging pag-aari.
I was born with chains wrapped around my neck…
Hindi lang ako itinago ng mga magulang ko. Tinangka nila akong iligtas. At nabigo sila. A broken sob escaped my lips.
"T-Tama na..." mahinang pakiusap ko.
Pero kahit ako, alam kong huli na ang lahat. The moment he said my name… the moment he looked at me as if I belonged to him… I knew.
Hindi ako hinahabol dahil may kasalanan ako. Hindi ako hinahabol dahil may ginawa akong mali. Hinahabol nila ako dahil para sa kanila. I was never a person. I was property. A possession that had escaped.
And now… they had finally taken me back. I’m sold…